• Chapter 3 •

732 32 5
                                    


Third Person's P.O.V

Matapos "aksedenteng" mahalikan ni Bella si Sabina ay umalis na sila ni Maxine at pumunta sa parking lot. Habang naglalakad, tumingin si Maxine kay Bella na seryosong nakatingin sa dinadaanan nila. Napabuga naman ng hangin si Maxine.

"Anong gagawin mo? Alam kong alam mo na si Seth ang gumawa non kay Sabina." tanong ni Maxine nang makarating sila sa van ni Stella.

Tumingin naman si Bella sa kaniya at nagsalita.

"May gagawin lang ako para pagsisishan ni Seth na saktan si Sabina. Makikita niya kung ano ang kaya kong gawin para lang kay Sabina." sagot niya at pumasok sa van.

Pumasok na rin si Maxine sa van at nakita sila Stella na nakatingin sa mga phone nila. Umandar na ang van at nagsimula nang mag usap ang magkakaibigan.

"Ang tagal niyo naman... Bored na kami dito." sabi ni Melissa.

Ngumiti naman si Maxine bago magsalita. "Pinuntahan namin yung fiancé ni Bella. Binugbog kasi ni Seth."

"Wait... Yung fiancé mo ba yung maganda na niyakap mo kahapon sa canteen?" tanong naman ni Sunny habang nakatingin kay Bella.

"Yeah... Her name is Sabina Salazar at sa tingin ko, hindi niya ako naaalala." malungkot na sagot ni Bella at tumingin sa mga gusali na nadadaanan nila.

"You knew her?" tanong naman ni Maxine at tumingin kay Bella.

"Yeah, naging kaibigan ko siya nung bata pa ko. Pinuntahan ko kasi si Lola dito nun." sagot ni Bella at ngumiti ng maalala si Sabina.

"Hm... I didn't know that. Akala ko ngayon ka palang tumira dito sa pilipinas." sabi ni Stella at tumingin kay Bella.

"One month lang naman ako dito nung binisita ko si Lola. Nakilala ko siya kasi magkaibigan ang mga lola namin." sagot niya.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay nagdaldalan na sila ng kung ano-ano. Sinabi rin ni Bella kung ano ang gagawin niya kay Seth. Tiningnan ni Stella ang mga kaibigan niya na nagtatawanan at ngumiti. Tumingin siya sa araw na palubog na. Ngumisi siya ng may naalala.

"Sabina Salazar, huh."


Sabina's P.O.V

'I still can't believe it...'

Ngayon ay nandito kaming lima sa sala ng bahay ko. Nandito rin si ate na masamang nakatingin sakin. Bumuga naman ng hangin si Lola.

"Apo, sigurado ka bang okay ka na? Wala na bang masakit sayo?" tanong ni Lola Thelma at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti naman ako.

"Okay na po ako La, sorry din po kung hindi dapat namin sasabihin sainyo ni ate. Ayaw lang po namin kayong mag-alala sakin." sagot ko at tumingin kay ate na tumango sakin kaya napangiti ako.

Kanina kasi pagkatapos umalis nila Bella ay umalis na rin kami at sa hindi inaasahan ay nakita kami ni Ate sa entrance kaya wala na kaming nagawa kundi sabihin sa kanila ang nangyari sakin. Pero hindi ko sinabi sa kanila na si Seth ang gumawa nito sakin, gaya lang ng sinabi ko kay Bella. Nasabi kasi sakin ni Ate na nagtratrabaho siya sa company nila Seth kaya hindi ko na sinabi. Ayokong matanggal si Ate sa trabaho niya dahil sakin, pinaghirapan niya yun kaya hindi ko sisirain yun.

"Pero totoo po ba na fiancé ko si Bella? Hindi ko naman siya kilala!" tanong ko na ikinatawa ni lola.

"Hay nako apo, nakalimutan mo na ba si Bell? Yung kalaro mo nung nasa bahay tayo ni Barbara. Siya si Bell." masayang sagot ni Lola at tumingin kay Ate kaya tumingin din ako sa kaniya.

"Yung Bell na kalaro natin dati, siya si Bella Watson." sabi ni Ate at ngumiti.

"Siya si Bell? Sure po kayo?" tanong ko ulit kaya binatukan ako ni Ate.

Loving The Manager (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon