• Chapter 14 •

347 12 0
                                    


Princess's P.O.V


"Hoy babae, nabalitaan kong hindi mo na naman nagawa homework mo." sabi ni Gen habang nakahawak sa magkabilang beywang niya. Ngumiti naman ako ng mapait.

"A-ano kasi... May ginagawa kasi ako, tumutulong ako sa gawing bahay!" pag papalusot ko at tumingin kila Sab para tulungan ako.

"Kaya mo na yan." bulong ni Cassie at tumawa.

'Sira ulo talaga to, kainis.'

Bumuga naman ng hininga si Gen kaya napatingin kami sa kaniya. Pumunta siya sa upuan niya at nilabas ang isang notebook. Lumapit ulit siya sakin at nilapag ang notebook sa harap ko.

"Alam kong nagpuyat ka kaka fb, next time hindi na kita papakopyahin." sabi ni Gen na ikina ngiti ko.

"Thank you Gen! Promise gagawin ko na homework ko!" masayang tugon ko kaya tumango si Gen at umupo na sa tabi ni Sab.

"Sus, puro salita ka naman eh." bulong ni Cassandra pero narinig ko naman.

"Ano?!" sigaw ko at hinarap siya.

"Inaano kita?! Don't touch me nga!" sigaw niya at hinampas ang kamay ko na nasa balikat niya.

"Aray! Akala mo di ko narinig yun! At wag ka nga mag english, di bagay!" sigaw ko at sisigaw na dapat tong baklang to nang hampasin kami ng notebook ni Ann.

"Aray/Ouch!"

"Magsitigil nga kayo, pinag titinginan na kayo." sabi nya at umayos ng upo. Habang hawak-hawak naman naming dalawa ang mga ulo namin.

'A-ang sakit talaga manghampas nitong babaeng to, akala mo may muscle eh.'

Inangat ko naman ang ulo ko at pasimpleng tumingin kila Sunny. At nang tingnan ko siya, nakatingin rin pala siya sakin. Ngumiti naman siya kaya ngumuti rin ako at mabilis na inalis ang tingin ko sakanya.

'God, ang ganda niya talaga!!!!'

"Nakita ko yun." bulong ni Sab kaya mabilis ko siyang tiningnan. Magsasalita na sana siya pero tinakpan ko ang bibig niya at mariin na pumikit.

'N-naka ngisi siya, kainis talaga tong mga to!!!'



[Timeskip]

Cassandra's P.O.V

"And that's how you got the x. Is there any questions?"

'Kaka bagot naman...'

Next week na magsisimula ang exam namin kaya magiging busy kaming lahat. Sila Sab, gaya pa rin ng dati ay naghahanda agad kahit next week pa yung exam pero okay lang naman yun. Kami naman ni Princess sa weekends na kami maghahanda, kasi baka makalimutan namin yung mga natutunan namin. Well normal lang namn saming lima yun.

"So gawin niyo ang Page 132-138. Ipasa niyo kaagad saakin kapag natapos niyo na. Yun lng, good luck sa exam next week." sabi ni sir Albert at lumabas na ng classroom.

"So punta tayo mall mamaya?" masayang sabi ni Cess.

"I guess pwede ako mamaya, kayo Sab?" sagot namn ni Gen at tumingin kami kila Ann at Sab.

"Bawal ako, may laro bukas sila Marc." sagot ni Sab sabay tumayo at lumabas na ng classroom.

"Kahit kailan talaga yung babaeng yun, ayaw na ayaw mag shopping." tugon naman ni Princess.

Loving The Manager (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon