Sabina's P.O.V"Hindi mo naman kailangan ihatid ako, Maxine." sabi ko kay Maxine na nakatingin sa daan.
Dapat hindi ko tatanggapin ang alok niya kaya lang pinilit niya ako kaya wala na akong nagawa. Nakakahiya din dahil hindi naman kami masyadong close ni Maxine. Ngumiti siya at tumingin sa akin.
"Don't worry, gusto ko naman na ako ang mag uuwi sayo." sabi niya at tumingin ulit sa daan.
"At hindi ka masasabay ni Bella dahil busy siya sa business ng magulang niya." dagdag niya.
"Nakakahiya naman sayo. Pero bakit si Bella ang nagha-handle ng business nila?" tanong ko at tumingin sa mga bahay na nadadaanan namin.
"Well, si Bella na kasi ang magiging CEO ng Watson Company. And siya na rin ang magpapatakbo ng B.E.E University in the future." sagot niya na ikinatango ko.
"I didn't know na ikaw pala ang manager nila Joshua sa baseball team. But I'm glad na ikaw ang manager nila." saad niya at ngumiti.
Ngumiti naman ako dahil naalala ko sila Marc kanina.
"Inaya kasi ako ni Marc, may alam naman ako tungkol sa baseball kaya pumayag ako." tugon ko at nakarating na kami sa bahay ko.
"Thank you talaga Maxine. Ililibre na lang kita kapag may time ka." sabi ko na ikinangiti niya.
Ano ka ba Sabina? Mayaman si Maxine kaya bakit mo ililibre. Baka nga ikaw pa ang malibre niyan...
"My pleasure, sasabihin ko na lang sayo kung kailan mo ako ililibre." masayang tugon niya at inabutan ako ng maliit na papel.
"Here's my number, I will text you if something happens." dagdag niya.
Kinuha ko naman ang papel at lumabas na ng kotse. Hinintay ko muna siyang makaalis sa bahay bago pumasok. Naabutan ko si ate na kumakain ng mangga. Favorite ko kasi ang mangga, yung hilaw. Ayoko nung hinog, ewan ko ba kung bakit ayaw ko nung hinog.
"May manga pala?" tanong ko habang hinuhubad ang sapatos.
Tumango naman si ate at tinuro ang isang plastic ng mangga. Mabilis akong pumunta sa kwarto at nagpalit. Bumaba ang at kumuha ng mangga na babalatan ko. Nang mabalatan ko ito ay umupo ako sa tabi ni ate at nanuod ng tv.
"Wait, nasaan pala si Lola?" sabi ko at sinawsaw ang mangga sa baguong.
"Pumunta siya kila Lola Barbara." sagot ni ate na bumigla saakin.
"Ano naman ang gagawin ni Lola dun?" tanong ko ulit at tumingin kay ate na nangasim sa manga.
"Ewan, baka may kinalaman sa inyo ni Bella."
'Musta na kaya si Bella? Ok lang kaya siya? Hindi ko alam kung bakit miss ko agad siya...'
"Mahal mo kasi." sabi ni ate na ikinabigla ko.
"Narinig kita, mag iisip na nga lang kailangan pa yung bibig. Pero mukang nahulog ka na kay Bella ha? Ang bilis naman." dagdag niya.
"Ewan ko ba. Miss ko lang naman siya ah, mahal agad?" tugon ko.
"Ewan ko sayo, iligpit mo yan kapag tapos ka nang kumain. Matutulog na ako." saad niya at pumunta sa taas.
'Matutulog daw... Magpupuyat pa siya eh.'
[Meanwhile]
Alexa's P.O.V
Nandito ako ngayon sa office ni Dad dahil may ire-request ako sa kaniya. Nakaupo ako sa sofa habang umiinom ng tea. Bumukas ang pinto at pumasok si Dad na nakangiti. Umupo siya sa harapan ko at nagsalita.
BINABASA MO ANG
Loving The Manager (GxG)
Storie d'amoreA baseball team manager and her problems. [On-going & Slow Update] Started: Nov 21, 2020 Ended: N/A