Third Person P.O.VIlang minuto ang nagdaan bago sila nakarating sa mansion ni Maxine. Naunang bumaba sina Stella at Cassandra, habang sumunod na ang iba sa pagbaba sa mga sasakyan. Nilapitan nila Genesis si Maxine na may pinindot na device na nagpabukas sa malaking gate ng mansion. Tumingin si Maxine kila Genesis at ngumiti.
"Mauna na kayo pumasok, ipa-park lang namin tong mga kotse namin."
Tumango naman sila at nauna nang naglakad sa harap ng mansion ni Maxine. Nililibot nila ang mga tingin sa buong mansion na nakabukas ng bahagya ang mga labi.
At sa sobra nilang pagkahanga sa mansion, hindi nila napansin ang isang babaeng nakatingin sa kanila mula sa third floor ng mansion. Ngumisi ang babae at umalis na sa kinatatayuan niya.
"What are you guys doing? Let's go." sabi ni Stella kaya pumasok na sila sa mansion.
Pagkapasok ay sumalubong sa kanila ang malinis at malaking sala ng mansion, puno ng mga flower vases at mga appliances na mukang mamahalin. Natawa naman si Maxine sa reaksyon ng magkakaibigan.
"You guys can sit there, maghahanda lang ako ng makakain natin." alok ni Maxine kaya sumunod sila Genesis at umupo sa isang mahabang couch.
Pumunta sila Maxine at Melissa sa kusina habang naghanda na sila Ann ng gagamitin nila para sa research nila. Pumasok naman si Bella, kasama sila Sabina at Alexa at tumabi kila Cassandra na naa-amaze pa rin sa mansion.
"Pakisarado yang mga bibig, baka pagbahayan ng langaw." sabi ni Sabina kaya sinarado nila Princess at Cassandra ang bibig nila.
Sumimangot naman ang dalawa habang natawa sila Sunny. Nagsimula na sila sa research nila about sa history. Bumalik na rin sila Maxine galing kusina na may dalang soft drinks, tinapay, prutas at tubig. Habang kumakain ay gumagawa na sila ng project na nagtagal ng tatlong oras.
"Gosh, kapagod!" angal ni Cassandra habang nag uunat.
"Let's take a break muna, you guys want dinner?" tanong ni Maxine na tinanguan nilang lahat.
"Magpa deliver na lang tayo, I want Italian food." sabi ni Sunny kaya tumango si Maxine at humarap kila Genesis.
"Anong gusto niyo?" tanong niya.
"Kahit ano na lang, basta masarap." sagot ni Ann kaya tumango ulit si Maxine at kinuha ang phone niya.
Habang nag o-order si Maxine, nag uusap naman sila Sunny.
"So Princess, sino yung crush mo?" tanong niya na nagpa alarma kay Princess.
"Patay kang bata ka, wala kang takas ngayon." bulong ni Cassandra na narinig nila Bella at tumawa.
"Umm.. Ano, si ano." tugon ni Princess na ikinatawa nila Alexa.
"Hm? Who?" tanong ulit ni Sunny at nilapit ang mukha niya kay Princess na namumula na ang mukha.
"Si ano!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH." tawa ni Cassandra habang tumatawa rin sila Stella.
Napa iling naman si Sabina habang nakangiti. Tumingin si Genesis kay Princess na para bang mahihimatay na kaya nilayo niya na si Princess kay Sunny na nag aantay pa rin ng sagot.
"Next time mo na lang siguro itanong kay Cess, ayaw niya rin kasi sabihin." sabi ni Genesis na nagpa nguso kay Sunny at lumayo na kila Princess.
"Aww, too bad. Excited pa naman ako malaman kung sino." sagot niya.
"Nako beh, kilalang kilala mo kung sino yung crush ni Cess." sabi ni Cassandra kaya agad siyang hinampas ni Princess sa balikat.
"Aray ko naman!"
BINABASA MO ANG
Loving The Manager (GxG)
RomanceA baseball team manager and her problems. [On-going & Slow Update] Started: Nov 21, 2020 Ended: N/A