Bella's P.O.VNandito kami sa rooftop dahil wala sila Sabina sa canteen. Sa rooftop talaga kami kumakain pero dahil sa canteen kumakain sila Sabina, dun na rin kami.
Hindi ko na siya nakita matapos ko siyang halikan kanina. Ang saya ko nga kasi tumugon siya sa halik ko, malambot at masarap ang labi ni Sabina kaya naaadik ako. Kaya lang malungkot ako ngayon dahil hindi ko pa siya nakikita.
"Okay lang yan Bella... Malay mo nagtatago siya dahil dun sa mga humahanga sayo." sabi ni Melissa at tumango naman si Sunny.
"Sure akong inaatake na nila si Sabina mo." sabi niya at uminom ng juice.
"Wag naman sana..." bulong ko.
Naaawa rin ako kay Sabina dahil simula nung kinausap ko siya sa classroom niya, pinagguluhan na siya. I feel bad for her, but I need to do it because she's mine. People must know what's mine. And that is Sabina, my future wife.
"I'm sorry I'm late." tumingin kami kay Stella na umupo sa tabi ko at kinuha ang pagkain sa harap niya.
"San ka galing? Ang tagal mo naman." tanong ni Maxine at sumubo ng cake.
"Hmm... Ah nakita ko kasi si Sabi-" hindi ko na siya pinatapos nang sumigaw ako.
"What?! Si Sabina?! Nasaan siya?!" masayang saad ko at humarap kay Stella na nakangisi.
"I don't know~... Pero sinabi niya rin sakin na pabayaan muna siya. Sinusugod na kaya siya ng mga fans mo." sagot niya kaya sumimangot ako.
"Hayaan mo na yung fiancé mo, patay na patay ka girl?" natatawang tugon ni Sunny at tumawa naman sila.
"Oo, bakit? May problema kayo?" masungit kong sagot.
"Sungit... Kapag nakita mo ulit siya, tsaka mo siya kausapin. Naste-stress rin yung tao eh." sabi ni Maxine kaya hinayaan ko na lang.
'I just miss my Sabina... Masama ba yun?!'
[Timeskip]
"Hindi ko na nakita si Sabina!" sabi ko at nagtawanan naman sila.
Ngayon ay pauwi na kami, at simula kanina ay hindi ko na nakita si Sabina. Nakakainis, gustong gusto ko siyang halikan, yakapin at makasama. Kaya lang ang maraming tao dito.
'Puntahan ko na lang kaya siya sa bahay nila.'
Palabas na kami ng main lobby nang makasalubong namin sila Sabina. Nakita ko siyang nakatingin sa gilid kaya tumingin ako dun. Si Alexa pala, napansin ko na may meaning ang mga tingin ni Alexa habang kausap niya si Sabina. Para bang nang aakit siya, tsk.
Nang makaalis na si Alexa tiningnan ko si Sabina na nakatingin pa rin kay Alexa. Nainis naman ako dahil dun, tumingin siya sakin at binigyan ko siya ng tingin na ipaliwanag ang nangyayari.
"Ayie! Kinikilig talaga ako sa inyo ni Alexa! Kanina pa sweet sayo si Alexa eh! Ikaw ha!" tili ni Princess at hinampas ng malakas si Sabina.
"Aray!" sigaw ni Sabina at hinimas ang braso niya.
"Anong sweet ka dyan? Mabait lang si Alexa kaya niya tinulungan si Sabina kanina. Buti nga at ginawa niya yun dahil ako ang bubugbog sa slut na yun eh." sabi ni Cassandra na ikinatingin namin sa kaniya.
'Ano daw? May nangyari ba kanina kay Sabina?'
"Sabina." tawag ko sa kasintahan ko.
Tumingin naman siya sakin at lumapit. Nang makalapit siya saakin, kinuha ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa kotse ko.
"S-sandali, saan tayo pupunta?" utal na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Loving The Manager (GxG)
RomanceA baseball team manager and her problems. [On-going & Slow Update] Started: Nov 21, 2020 Ended: N/A