Third Person's P.O.V
"I will give you 30 minutes to answer that paper. Make sure to check your answers before passing it." sabi ng guro habang nakatingin sa mga estudanteng nakatingin sa mga hawak nilang papel.
'Ang hirap naman nito... Napag aralan ba namin to??'
Angal nila Princess at Cassandra pero nagsimula na sila magsagot. Sila Sabina rin ay nagsimula na magsagot. Wala kang maririnig na ingay sa loob ng kwarto maliban lang sa mga pag galaw ng mga papel.
Lumipas ang 30 minutes at natapos na nila ang exam. Lumabas na ang guro at nagkaroon na ng ingay. Bumuga ng hangin si Sabina kaya napatingin si Alexa sakaniya at ngumiti.
"You okay?" tanong ni Alexa kay Sabina na nakayuko na sa lamesa.
"Yeah, I'm fine." sagot ni Sabina at inangat ang ulo nito.
'Ang cute...' isip ni Alexa.
"Ewan ko lang kila Cassandra." dagdag niya na nagpalingon kay Alexa. Tumingin naman silang dalawa kila Princess at nakita nila itong nakayuko.
"K-kaya naman siguro nila yun..." tugon ni Alexa na nagpangiti kay Sabina at yumuko ulit siya.
'Hindi siya sure.' isip ni Sabina at nagpigil ng tawa.
"Ay! Naalala ko na!" sigaw ni Cassandra kaya napatingin sila Genesis sakaniya.
"Ang ano, Cassie?" tanong ni Ann at ngumiti naman si Cassandra.
"Pwede kayo mamaya? Let's go shopping!" pag aaya niya kaya nagtinginan silang magkakaibigan.
"Okay! Taas kamay kung sino sama!" masayang dagdag ni Cassandra at nagbilang.
"3, 2, 1, go!" sabi niya at nagtaas sila ng kamay. Nawala ang ngiti ni Cassandra ng makita niya si Sabina na nakatingin lang sa bintana.
"Sab! Sumama ka na!" sabi niya at tinuro si Sabina na tiningnan lng siya.
"Well, may gagawin ka ba Sab? Ito kasi ang unang gala nating lahat, kung sasama ka." tugon ni Genesis kaya napatingin silang lahat kay Sabina.
Sinalubong rin ni Sabina ang mga tingin sa kaniya at bumuga siya ng hangin. Ngumiti sila Alexa habang nagyakapan naman sila Princess at Cassandra.
"May lakad ako mamayang gabi kaya uuwi ako ng maaga." sabi ni Sabina at tumango naman sila.
"Yehey! First gala ng gang!" masayang sigaw ni Princess kaya napatingin ang mga kaklase nila sa kanila.
"Ingay mo..." bulong ni Ann at tumayo na.
"Sorry naman." sabi ni Princess at ngumuso.
Tumayo na rin sila Sabina at lumabas na ng classroom. Habang naglalakad sila papalabas ay nag dadaldalan at nag tatawanan sila. Nang makarating sila sa parking lot at sumakay sila sa dapat na sundo ni Alexa at nagdrive na si kuyang driver papuntang mall.
Sabina's P.O.V
Nakarating na kami sa mall at agad akong hinila ni Cassandra kaya sumunod na sila Alexa sa amin. Dinala kami ni Cassandra sa isang clothing shop at tsaka niya kami iniwan sa harap nito.
"Gustong gusto talaga ni Cassandra magshopping." sabi ni Alexa kaya tumango kaming lahat.
"Okay, gusto niyo bang maghiwalay hiwalay tayo?" tanong ni Genesis at sumagot naman si Princess.
"Sama ka sa akin Ann!" at tsaka hinila si Ann papasok sa store.
"Hahanapin ko na lang si Cassandra, kayo na lang ang magsama." tugon ni Genesis kaya napatingin kami ni Alexa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Loving The Manager (GxG)
RomanceA baseball team manager and her problems. [On-going & Slow Update] Started: Nov 21, 2020 Ended: N/A