Cassandra's P.O.V"Uy, may assignment kayo?" sabi ko kila Genesis na nag dadaldalan dito sa classroom. Tiningnan ko si Sabina na nakatingin lang sa bintana na walang emosyon.
"Bakit? Hindi mo na naman nagawa yung sayo?" masungit na tanong ni Genesis. Umupo ako sa upuan ko at tumango kaya binatukan ako ni Princess.
"Aray! Epal ka?!" sigaw ko at babatukan na si Princess nang pigilan ako ni Ann.
"Kokopya ka lang ng assignment sa amin tas kami pinag-hirapan namin gawin yun!" sabi ni Princess kaya napasimangot ako.
"Nakatulog na kasi ako! Kasalanan ko ba yun?!" sigaw ko. Sumimangot naman si Princess at magsasalita na.
"Hoy! Wag nga kayong maingay." saway ni Genesis samin kaya tumahimik kami.
"Cassie, ikaw na lang gumawa ng assignment mo, tutulungan ka na lang ni Ann." dagdag niya kaya napangiti ako at nagsimula na mag sagot ng assignment sa tulong ni Ann.
"Good morning." bati samin ni Alexa ng makapasok siya.
Bumati naman kaming apat at umupo na siya sa tabi ni Sabina na nakatingin pa rin sa labas ng bintana.
"Good morning Sab." rinig kong bati ni Alexa kay Sabina na tinanguan niya lang.
Napabuga naman kaming apat ng hangin. Simula nung nahuli namin si Bella, naging ganyan na siya. Mas malala pa siya dati eh. Siguro talagang nasaktan si Sabina sa mga nangyari. Naaawa ako kay Sabina, hindi ko makita kung bakit ayaw na ni Bella sa kaniya . Maganda siya, gwapo pa nga e, sexy din siya, matalino rin, mabait, at mapagmahal siya kaya wala akong makitang problema kay Sabina.
"Hayaan na lang natin si Sab, ang kailangan lang nating gawin ay samahan siya." bulong ni Genesis kaya tumango kami.
Tumingin ako kila Sabina at gaya ng dati, si Alexa lang ang nag sasalita, tango at isang salita lang sinasagot ni Sabina.
Mga ilang manuto ang nakalipas ay pumasok na rin ang mga kaklase namin at pumasok na rin ang teacher namin sa Math na si sir Albert. Habang nagtuturo si sir Albert, bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok ang limang students na galing ata sa W.L.V University dahil sa uniform na suot nila.
Tatlong lalaki at dalawang babae na lumakad papunta sa harap ng classroom namin. Nagpaalam na si sir Albert at lumabas ng classroom. Tumingin naman kaming lahat sa limang tao sa harapan namin na tumatanaw saamin.
Juice coloured! Grabe ang pogi at ang ganda nilang lima! Mga model ata 'tong nga toh! Ang sexy ng dalawang babae habang halata sa mga lalaki na nag g-gym sila.
"Good morning everyone! I'm Scarlett Patterson and we're from W.L.V University. Nandito po kami para i-announce sa inyo ang mangyayari sa susunod na mga araw." sabi ng magandang babae na nasa gitna nila at may kinuhang papel na binigay niya sa lalaking katabi.
"Sa susunod na araw ay mag sasama-sama ang mga students ng W.L.V at B.E.E University dito sa eskwelahan niyo. May mga makakasama kayong mga students na galing sa university namin. So please guide us while we're here at B.E.E University." sabi ng lalaki at inayos ng salamin niya.
'Ang pogi naman nito kaya lang mukhang suplado.'
Pinaliwanag na nila ang mga mangyayari sa susunod na mga buwan. Ang pagsasama ng mga students ay tatagal ng dalawang buwan kaya medyo matagal yun. Sa isang classroom ay hahatiin sa 20 na students ang W.L.V at B.E.E university kaya 40 students ang sa isang classroom.
Sinabi na rin ang mga mangyayari sa dalawang buwan. May mangyayari daw na Music festival at iba pa kaya sure akong magiging busy kami. Umalis na ang limang taga W.L.V at nagsimula na kaming mag ingay.
BINABASA MO ANG
Loving The Manager (GxG)
Roman d'amourA baseball team manager and her problems. [On-going & Slow Update] Started: Nov 21, 2020 Ended: N/A