Sabina's P.O.VBinuksan ko ang pintuan ng classroom at sa inaasahan, wala pang tao. Sabagay maaga pa kaya. Pumasok na ako at sinarado ang pinto. Bumuga ako ng hangin sa naalala ko.
"You will change your mind if you think about it twice, I will wait for your answer until tomorrow."
"Kahit tumanggi na ako, hinihintay niya pa rin sagot ko... Kahit kailan talaga yung babaeng yun." bulong ko at umupo na sa upuan ko.
Kinuha ko ang librong binabasa ko ngayon at nagbasa muna, pang palipas oras. Bumukas ang pintuan at pumasok si Alexa na nakangiti. Tumingin siya sa akin at nginitian ako, tumango na lang ako at nagbasa ulit.
"Good morning Sab." sabi niya.
Tiningnan ko siya at nakatayo na pala siya sa harapan ko.
"Morning." sagot ko at ngumiti ulit siya.
'Halatang good mood si Alexa ah.'
Umupo siya sa kaliwa ko at may nilabas na maliit na dark blue box. Inabot niya sakin yun at tiningnan ko lang yun. Tinaasan ko siya ng kilay pero nginitian niya lang ako.
Kaya binaba ko muna ang librong hawak ko at kinuha ang maliit na black box at binuksan ito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Isang kwintas na ang design ay isang snow flake, may maliit na light blue gem sa gitna ng snow flake.
'A-ang ganda...'
"Para saan 'to? Magkano 'to? Akin na lng 'to?" sabi ko na nagpatawa kay Alexa. Tumango naman siya at ngumiti ulit.
"Gift for you, nagshopping kasi ako nung isang araw. And when I saw that, it reminded me of you so binili ko." tugon niya at pumunta sa likod ko.
"Let me."
Binigay ko naman ang kwintas sa kaniya at kinabit niya ito. Pumunta siya sa harapan ko at ngumiti. Hinawakan niya ang kwintas na nakasabit na sa leeg ko.
"So beautiful. Bagay talaga sayo." sabi niya at tumingin sa mga mata ko.
"You know, I... I will wait for you to move on. I will wait for you to make up your mind, Sabina. So let me know when that happened, so I can make my move." dagdag niya at ngumiti ng pagkaganda.
'Alexa....'
"Bakit ako ang nagustuhan mo? Marami pang mas maganda sakin dito. Makukuha mo kaagad ang lalaking gusto mo sa ganda at ugali mo... So why me?" tanong ko. Inalis niya naman ang tingin niya sa mata ko at kinuha ang mga kamay ko.
"It makes me happy when you compliment me like that but if you already moved on, I will tell you the reason. All I can tell you right now is, I love you." sagot niya at ngumiti ulit saakin.
Tumango naman ako at nagpasalamat sa regalo niya. Tumayo ulit siya at umupo na sa kaliwa ko. Binuksan ko ulit ang libro ko at nagbasa. Pero kahit nililibot ng mga mata ko ang mga salita sa libro, hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi saakin ni Alexa.
Mga ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan at pumasok sila Bella at Gen. Inalis ko na ang tingin ko sa kanila at pinagpatuloy ang pagbabasa.
'Mukang naging close silang lahat.'
"Good morning Sab, Alexa!" masayang bati ni Princess.
"Good morning sa inyo/Morning." sagot naming dalawa.
"Ang aga niyo ah. Nga pala Alexa, 'bat ka absent kahapon ha?" sabi ni Cassandra at nagsi upuan na sila sa kanya kanyang upuan.
"Nagkasinat kasi ako kahapon, pero okay na naman ako ngayon." sagot ni Alexa at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Loving The Manager (GxG)
RomanceA baseball team manager and her problems. [On-going & Slow Update] Started: Nov 21, 2020 Ended: N/A