• Chapter 4 •

682 26 0
                                    


Third Person's P.O.V

Malakas na sigawan ang sumalubong kay Alexa nang pumasok siya sa gym. Dahil dito ay ngumiti siya at kumaway sa mga sumusuporta sa kaniya. Habang naglalakad siya papunta sa harap ng gym ay may kumuha ng atensyon niya.

Isang magandang babae na may magandang mga mata na kagaya ng asul na langit. Sinusuri siya nito at nang magkatinginan sila ay para bang na hy-hypnotize siya sa ganda ng mga mata ng babae.

Kung hindi lang siya tinawag ng manager niya ay hindi niya i-aalis ang tingin niya sa magandang babae. Iniisip niya kung sino ba ang magandang babae, she's interested in her.

Nagpatuloy na maglakad si Alexa papunta sa stage habang kumakaway sa mga fans niya. Umi-echo ang mga sigaw ng students sa loob ng gym sa lakas. Nang nasa harap na si Alexa, nagsitahimikan ang mga students dahil inabutan ng mic si Alexa. Ngumiti si Alexa at nagsalita.

"Good morning sainyong lahat, ako nga pala si Alexa Santillian."

Tahimik ang buong gym ng marinig nila ang magandang boses ni Alexa. Nang matauhan ay nagsigawan ulit ang mga students.

'Grabe ang ganda ng boses niya...' isip ni Sabina habang nakatingin kay Alexa na nahuli niyang nakatingin sa kaniya kahit malayo sila sa isa't isa.

Ramdam ni Alexa ang bilis ng tibok ng puso niya nang magkatinginan sila ni Sabina. Nilipat ni Alexa ang tingin niya sa mga fans na sumusigaw ng pangalan niya. Umakyat naman ang Principal sa stage at nagsalita.

"Kunting katahimikan lang po dahil may idadagdag kami sa mga rules ng university na may kinalaman kay Miss Alexa." utos ng Principal kaya nanahimik ang mga students.

Tumingin naman ang Principal kay Alexa at inalok siya na umupo sa bandang likod ng stage. Tumango naman si Alexa at umupo sa upuan na nakahanda para sa kaniya. Humarap naman ang Principal sa mga students niya at nagsalita.

"Rule no. 1: Don't bother and annoy her. Rule no. 2: Treat her like a normal student. And lastly, Rule no. 3: Don't flirt, stalk, and abuse Alexa Santillian." sabi ng Principal dahilan para sumang ayon ang mga students.

"At meron pa palang isang announcement. Miss Watson, ano ang sasabihin mong announcement?" dagdag ng principal habang umaakyat na si Bella sa stage.

Nagbulungan naman ang mga students at yung iba ay nagagandahan kay Bella. Tiningnan ni Alexa si Bella na nakangiti habang naglalakad para kunin ang mic.

'Maganda siya pero mas maganda pa rin siya.' isip niya at tumingin kay Sabina na nakatingin kay Bella. Napasimangot naman si Alexa dahil nakatingin si Sabina kay Bella at hindi sa kaniya.

Nang makuha ni Bella ang mic ay humarap siya sa mga tao at tinapat ang microphone sa bibig niya.

"Can I have one favor for all of you?" sabi ni Bella at sumagot naman ang mga tao ng "Okay/Of course/Oo naman!".

Ngumiti siya at nagsalita ulit.

"Thank you! Well, my favor is simple... Don't Touch My Fiancé."

Nagulat ang mga tao dahil sa lamig ng boses ni Bella nang sabihin niya ang favor niya. Yung iba ay nagulat dahil may fiancé na siya. At nagulat naman ang limang magkakaibigan sa narinig nila.

Tumingin sila kay Sabina na nakatingin kay Bella na gulat na gulat sa narinig niya. Sumunod ang tingin ng lahat ng mga tao sa loob ng gym nang maglakad si Bella. Alam na ni Sabina kung saan or sino ang pupuntahan niya.

Lahat ng mga mata ay nakasunod lang kay Bella hanggang sa huminto siya sa tapat ni Sabina. Humarap siya kay Sabina at naglakad papalapit sa kaniya. Napalunok naman si Sabina nang nasa harapan niya na si Bella na may ngiti sa mukha.

Loving The Manager (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon