Sabina's P.O.VNatapos ang lakad namin ng bandang 6:30 pm at maraming bitbit. Well, sila lang naman ang maraming bitbit, isang paper bag lang ang dala ko habang dalawa kila Alexa at Ann.
"Oh, nandito ka na pala." salubong sa akin ni ate na naka upo sa couch. Tinanguan ko lang siya at umakyat na agad.
Binaba ko ang dalawang paper bag sa higaan at nagpalit ng pambahay na damit. Naka oversized t-shirt na ako na dark red at black shorts. Bumaba ako at pumunta sa kusina. Naabutan ko naman ni lola na nagluluto ng ulam namin.
"Kailangan niyo ng tulong La?" tanong ko habang kumuha ng tubig sa ref.
"Paki handa na lang ang lamesa apo, tawagin mo na rin yung ate mo." sagot nya kaya tumango ako habang umiinom ng tubig.
Naghanda na ako ng lamesa at tinawag na si ate na nanunuod pa rin ng tv. Saktong matawag ko siya ay natapos na rin si lola magluto. Nagpaalam ako sa kanila na may lakad ako, kinulit pa ako ni ate kung sino daw ang kasama ko. Sinabi ko na lang na kakain lang kami ni Natalia sa labas.
Habang kumakain sila ay naligo na ako at nagsuot ng medyo formal na suot. I wear a long black sleeve with a navy blue blazer and pants. I also wear the silver necklace that Natalia gave me as a gift for my graduation from junior high school. Naglagay na ako ng pabango at sinuot ko na ang black shoes ko. Bumaba na ako sa sala kaya nakita ako nila ate at lola Thelma.
"Naks naman, ang gwapo naman ng apo ko." nakangiting sabi ni lola na nagpangiti sa akin.
"Sure ka bang hindi dinner date yang pupuntahan mo?" asar naman ni ate.
"Issue ka naman, restaurant kasi yung napili ni Natalia kaya need ko na magsuot ng formal attire." sagot ko na nagpatawa sa kanilang dalawa.
"Yeah yeah, palusot mo. Alis ka na nga at puntahan mo na yung date mo." pagtataboy niya sakin.
"Mag iingat kayo apo, at have fun, okay?" tugon ni lola at ngumiti kaya tumango ako.
"Opo La, matulog na din po kayo ng maaga. Good night po." sagot ko kaya tumango siya.
Sinamahan nila ako palabas ng bahay at binigay ni ate sa akin ang susi ng kaniyang kotse. Nagpasalamat naman ako at umalis na. Nagtagal ng 30 minutes ang byahe ko dahil sa traffic at medyo malayo din ang lugar na napili ni Natalia. Buti na lang at inagahan kong umalis at baka malate pa ako kung sakali.
Nang makarating sa restaurant ay naghanap kaagad ako ng mapagpaparkingan. Pinark ko ang kotse sa malapit na spot sa restaurant, marami din kasing mga kotse dito pero buti at nakahanap ako ng malapit lang sa restaurant. Tiningnan ko ang phone ko ng magvirbrate ito, tumatawag si Natalia kaya sinagot ko ito.
"Hi, my love." bati niya sa akin.
"Nasaan ka na? Nasa loob ka na ba?" tanong ko habang naglakad na papuntang restaurant.
"No, nandito ako sa labas ng restaurant. I'm waiting for you." sagot niya kaya nagmadali na ako sa paglakad.
Pagdating ko sa harap ng restaurant ay wala akong naabutan na Natalia na naghihintay. Lumingon ako sa paligid para hanapin siya, she's nowhere to be found. Tinapat ko ulit ang telepono ko sa kanang tenga ko para kausapin siya.
"Wala ka naman dito, nasaan ka ba talaga?" tanong ko.
Narinig ko namang tumawa siya ng mahina, rinig ko din ang ilang ingay na para bang naglalakad siya. Makalipas ng ilang segundo ay nagsalita siya.
"I'm here in your heart, my love." rinig ko sa telepono at sa likod ko kaya lumingon ako sa kaniya.
A goddess greeted me with a gorgeous smile on her face. I look at what she's wearing; it's a navy blue sleeveless dress with a cut at the bottom that reveals her long, white, and attractive legs. She looks so breathtaking, I can't even comprehend it. She only has light make-up on her face, and she looks so angelic. I also notice her delicate neck and collarbone. I turned to look at her after hearing her chuckle. She's smirking at me.
BINABASA MO ANG
Loving The Manager (GxG)
RomanceA baseball team manager and her problems. [On-going & Slow Update] Started: Nov 21, 2020 Ended: N/A