Chapter 16

37 1 1
                                    




"Saan kayo nanggaling ni Sir Ivan?" tanong agad ni Irene sa'kin pagkapasok ko pa lang sa opisina.  Nakatingin rin silang lahat sa'kin.  Inaabangan ang sagot ko.  Ito talaga ang iniiwasan ko eh.  Ang malagay sa hotseat.  Mukhang ngayon wala na akong kawala.


"Kumain lang ng lunch." Simpleng sagot ko.


"So may pa-lunch-lunch na pala kayo ngayon? Hmmm? Lumelevel up teh?" komento naman ni Jane na mabanaagan ng panunukso sa tinig at sa klase ng pagngiti.  Hindi nalang ako nagsalita.  Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagawa ng reports.


"Napansin nyo ba guys na pag-ganitong topic, tumatahimik si babae?  Palaging umiiwas at take note, naglilihim na sa'tin." Si Irene.  "Nakakapagtaka naman talaga.  Kasi biruin nyo, yung mga ginagawa nila hindi na usual sa isang boss-employee relationship."


"Oo nga eh." Agree naman ng isa.  "Parang there's something going on between the two."  Ito talagang mga bruhang 'to, kung makapagsalita parang wala lang ako dito.  Pero deadma pa rin ako. 


"Umamin ka nga sa'min Aya."  Hindi na nakatiis na tanong ng isa kong officemate.  "May relasyon na ba kayo ni Sir Ivan?"


"Alam n'yo guys, ang layo-layo na ng naabot ng imagination nyo.  Magkaibigan lang kami, okay?" sagot ko.  Alam ko na hindi nila ako titigilan hanggat hindi ako sumasagot.


"Ows?  Talaga lang ha?  Magkaibigan nga lang ba? O magka-ibigan?"


"Guys, please, wag nyo ng gawan ng issue ang closeness namin ni Sir Ivan.  Magkaibigan lang talaga kami at please tigilan nyo na yan baka may makarinig sa inyong iba at makarating pa kay Sir Ivan baka ano isipin niya.  And besides, napakaimposibleng mangyari yang sinasabi nyo."


"Alam mo Aya, walang imposible sa mundo.  Bagay na bagay nga kayo ni Sir Ivan eh."


"Eh, Ikaw ba Aya, wala ka bang nararamdaman kay Sir Ivan? Di ba lately, palagi kayong magkasama?" tanong ni Irene.


"W-wala ah." Nauutal kong sagot.


"Bat nauutal ka?  Aminin na kasi ang dapat aminin."


"Wala talaga.  Magtrabaho na nga kayo.  Baka biglang lumabas ang head natin.  Pare-pareho tayong malalagot."


"Umiiwas ka na naman.  Di ba magkakaibigan tayo lahat dito? Bat naglilihim ka na sa'min ngayon?" Nangongosensiya pa talaga.


"Akala mo ba, hindi namin napapansin kung pano ka tumingin kay Sir Ivan.  Kumikislap pa ang mga mata mo." Dagdag pa ni Irene.


"Aminin mo na kasi.  Wala namang masama kung umamin ka di ba?"


"Anong walang masama?  Masamang-masama nga eh.  This is the worst thing that ever happened to me."  Nabibigla kong sagot.


Love Hurts, Love HealsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon