A/N:
Sorry po now lang nakapag-update. Lutang kasi ang utak ng lola niyo this past weeks.
Pls. give your comments po, reactions and suggestions para ma-improve pa po ang pagsusulat ko.
Thanks po ng marami.
Hope you'll enjoy reading. mwahh mwahh.. ;)
Chapter 12
“I heard what happened a while ago.” Seryosong sabi ni Sir Jaime, ang president ng kompanya. Nandito ako sa opisina niya nang dahil sa nangyari kanina sa’min ni Sir Ivan. I admit, sobrang kinakabahan na ako. Baka mawalan na ako ng trabaho. Sabi ko lang naman yung hindi ako natatakot. Nadala lang ako ng galit nun kaya ko nasabi yun. Tinawag ko na talaga lahat ng santong kilala ko para tulungan ako na hindi ako matanggal sa trabaho.
“Sir Im so sorry po sa nangyari kanina.” Sabi ko.
“Ano ba talaga ang nangyari? I want to hear your side.”
Sinalaysay ko kay Sir Jaime kung ano ang nangyari. Wala talaga akong kinalimutang detalye.
“Hmmm. Bakit naman kaya mainit ang ulo ng anak ko? So far, wala naman problema sa kompanya.”
“Eh Sir, palagi naman po mainit ang ulo ni Sir Ivan kapag kaharap ako.” Hindi ko napigilang sagot.
“Ganun ba? That’s new. Ivan is not harsh on our employees. Even in our maids at home.” Si Sir Jaime na hinihimas ang baba habang nakasandal sa kanyang swivel chair. “May kasalanan ka ba kay Ivan?”
“Naku Sir! Wala po.” Tanggi ko agad. “Hindi ko rin po alam bakit ang sungit niya sa’kin.”
“Okay! You can go now.”
“Po? Go? Tanggal na po ba ako sa trabaho?” nag-papanic kong tanong. At bigla nalang siya tumawa. May pinagmanahan din pala si Sir Ivan. Kita na ngang sobrang nininerbiyos na ako, pinagtatawanan pa ako.
“No, no, no. Hindi kita tinanggal sa trabaho. What I mean is you can go out in my office.” Natatawa pa rin niyang sabi.
“Salamat po Sir. Akala ko talaga wala na akong trabaho.” Relieve kong sabi pero nakakahiya yung sinabi ko kanina, para akong tanga. Kaya pala pinagtatawanan ako.
“Hindi kita tatanggalin. Maganda ang work performance mo at syempre ikaw lang ang tanging employee na hindi natatakot sumagot kay Ivan.” Napangiwi nalang ako. Hindi ko alam kung compliment ba o hindi ang huling sinabi niya.
“Thank you po ulit Sir. Sige po aalis na po ako.” Paalam ko sa kanya.
Ako na naman ang huling umalis sa opisina namin kasi may tinapos pa ako. Nagmamadali na ako kasi gutom na gutom na ang mga alaga ko sa tiyan. Akmang isasarado ko na ang elevator ng may biglang pumasok. Pagtingin ko si Sir Ivan. Kapag minamalas ka nga naman. Sa lahat pa na pwede ko makasabay siya pa.
“Good evening po sir.” Bati ko sa kanya kahit labag sa loob ko. Kahit ang sama ng ugali niya pero boss ko pa rin naman siya. Pero hindi man lang sumagot. Tumingin lang sa’kin then tumabi lang sa akin. Napasiksik tuloy ako sa gilid. Hay! Ano ba ‘to? Kinakabahan na naman ako. Hindi na talaga maganda ang nararamdaman ko kapag nasa malapit lang siya.
Pagkabukas ng elevator, nagmamadali na akong lumabas pero tinawag niya ako.
“Aya.” Tawag niya.
“Bakit po sir?” tanong ko. Ayaw ko sana siya lingunin pero syempre boss siya kailangan igalang.
“Sumabay ka na sa’kin. Ihahatid na kita sa inyo.”
“Naku sir! Wag na po. Salamat nalang po. Sige po mauuna na po ako.” Pero hindi pa ako nakatalikod, nahawakan na niya ang braso ko. Pumintig na naman ng malakas ang puso ko kaya bigla kong nahila ang braso ko pero hindi niya ako pinakawalan. Napatingin nalang ako sa gwapong mukha niya, este mukha niya. Wala akong sinabing gwapo.

BINABASA MO ANG
Love Hurts, Love Heals
RomanceNaririndi na si Aya sa kakatanong ng mga tao sa paligid niya kung kailan siya magkaka-boyfriend kaya napagpasyahan niya na kung sino ang manliligaw sa kanya sasagutin niya. May manliligaw na kaya sa kanya? Kung meron man mamahalin kaya niya? Kung ma...