"Good morning everyone." Masiglang bati ko sa kanila pagpasok ko sa office. Ang sigla pa rin ng pakiramdam ko ngayon dahil sa nangyari nung weekend.
"Good morning. Ang ganda ng gising natin ngayon ah." Si Ireen. "May nangyari ba nung weekend?"
"Porket masaya ako, may nangyari agad? Di ba pwedeng maganda lang ang gising ko?" Sagot ko.
"Naks! May ganun talaga? Iba na talaga ang blooming." Si Irene.
"Pano hindi maging blooming yan, eh inlababo ang lola nyo." Tudyo naman ni Jane.
"Oo na. Inlove na. Pero alam nyo guys, nakakalungkot din kasi ako lang naman ang nagmamahal. Alam ko masasaktan lang ako. Ilang beses ko ng sinubukang wag mahulog ang loob ko sa kanya pero hindi ko talaga napigilan. Kaya nga inaamin ko nalang ang nararamdaman ko kasi kahit anong pigil ko kumakawala pa rin."
"Siguradong-sigurado ka ba na hindi ka niya mahal? Hindi naman di ba? Malay mo mahal ka rin niya kaya nakipag-lapit siya sayo." Sabi ng isa kong officemate.
"May point ka." Agree naman ng isa. "Iba kasi ang pakikitungo niya kay Aya. Parang hindi lang isang simpleng empleyado ang tingin ni sir Ivan sa kanya. Tingin ko nga may gusto rin siya kay Aya."
"Napansin ko rin yan. Di ba nung birthday ni Aya. Parang may something din ang mga tingin niya. Kaya nga kinikilig ako ng bongga sa kanilang dalawa." Dagdag naman ni Jane.
"Guys, tigil na. Wag niyo akong paasahin please lang. Mas lalo lang akong masasaktan kapag umasa pa 'ko."
"Goodness! Salamat naman at nandito ka na." bungad agad sa'kin ni Mafe pagdating ko sa restaurant na napag-usapan namin kung saan kami magkikita. "Eksakto kararating lang din ng inorder namin. Mabuti nalang talaga at nag-order na ako pagkadating namin.
"Sorry talaga. Naipit kasi ako sa traffic eh."sagot ko. "Hi Emjun. Long time, no see." Bati ko naman sa boyfriend ni Mafe. "By the way, saan mo dinala ang kaibigan ko at tatlong araw mo ng hindi inuwi?" natawa nalang sa'kin si Emjun.
"Nagpunta lang kaming Palawan." Sagot naman nito.
"Ano yun? Honeymoon muna bago kasal?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Love Hurts, Love Heals
RomanceNaririndi na si Aya sa kakatanong ng mga tao sa paligid niya kung kailan siya magkaka-boyfriend kaya napagpasyahan niya na kung sino ang manliligaw sa kanya sasagutin niya. May manliligaw na kaya sa kanya? Kung meron man mamahalin kaya niya? Kung ma...