Chapter 5

36 2 0
                                    

Time flew so fast.  Tatlong lingo nalang at first year anniversary na namin ni Jonas.  Excited na ako.  Excited ako kung ano na naman ang pakolo niya this time.  Every monthsary kasi namin iba-iba ang mga pakolo niya.  Ewan ko ba parang hindi nauubusan ng pakolo ang taong ‘yon.  Sa loob din ng panahon na’yon marami na kaming pinagdaanan na mga tampuhan at hindi pagkakaunawaan pero naaayos din naman namin agad. 

Lately, hindi na kami masyado nagkikita dahil sobrang busy niya sa pag-aasikaso sa bagong restaurant nila na malapit ng buksan.  Naiintindihan ko naman siya kasi ako rin naman naging busy na rin sa trabaho.  Nadagdagan kasi ang work load ko pero okey lang din naman kasi nadagdagan din naman ang sweldo ko.  Madadagdagan na rin ang ipapadala ko sa pamilya ko.  Anyways,  nakakalungkot nga lang din kasi sobrang miss na miss ko na siya.  Minsan kapag tinatawagan ko siya hindi ko ma-contact ang number niya.  Minsan nga napa-paranoid na ako.  Kung anu-ano na ang iniisip ko.  Hindi ko talaga maiwasan mag-alala.

“Anong nangyari d’yan sa mukha mo?” tanong sa’kin ni Mafe pagdating ko sa apartment.

“Na-eestress ako sa trabaho.  Tapos nag-aalala pa ako kay Jonas.  Hindi ko kasi siya ma-contact eh.  Kanina pa ako tumatawag sa kanya.  Ano na kaya nangyari sa kanya?”

“Wag ka ngang masyadong paranoid.  Baka may pinuntahan lang tapos walang signal ang area o di kaya dead bat ang cellphone niya.”

“Maybe pero kasi ngayon lang naman nangyari ‘to.  Dati naman nagpapaalam siya sa’kin.”

“Baka biglaan.  ‘Wag mo nalang masyado isipin.  Kumain ka na.  Tapos na kasi ako.”

Kunti lang nakain ko kasi wala talaga akong gana.  Nag-alala talaga ako kay Jonas.  Nakahiga na ako sa kama, tinatawagan ko pa rin siya pero un-attended/out of coverage area pa rin.  Naiiyak na ako sa sobrang pag-aalala.  Nakatulugan ko na ang pag-iyak.

Kinabukasan wala pa rin ako natanggap na text or call galing sa kanya.  Tinatawagan ko na naman siya pero out of coverage area pa rin ang cellphone number niya.  Pagdating ko sa office tinawagan ko ang restaurant nila at ang sabi ng staff nasa out of town daw.  Hindi rin alam ng staff kung kailan babalik.  Nagtatampo na talaga ako.  Hindi man lang nagpaalam.  Hindi man lang niya naisip ang nararamdaman ko.  Nakakainis!

“Aya bakit hindi yata maipinta ‘yang mukha mo?  Ang pangit-pangit mo na.” puna ni Joan sa’kin.

“Wag mo nalang ako pansinin.  Masama lang ang pakiramdam ko.” Sagot ko sa kanya.

“Uy babae!  Wag mo nga akong pinagloloko.  Alam ko kung may sakit ka o wala.  At sa tingin ko hindi ‘yan ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan.” Hindi na ako nagsalita sa sinabi niya.

“Nag-away ba kayo ni Jonas?” tanong na naman niya sa’kin.  Hindi pa rin ako sumagot.  Para kasing maiiyak na ako sa sobrang sama ng loob.

“Nag-away nga kayo.” Wika na naman nito.  “Kung may problema kayo pag-usapan niyo.”

“Yun na nga ang problema eh.  Hindi ko siya makausap.”  Hindi ko na napigilang sabi.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi ko siya ma-contact.  Magtatatlong araw na.  Wala rin akong natanggap na text o tawag galing sa kanya.  At sabi ng staff niya, nag-out of town daw siya.  Ang nakakasama ng loob, hindi man lang siya nagpaalam sa’kin.  Sobrang alalang-alala ako sa kanya.”

“Baka may emergency lang.  Pakinggan mo na muna ang paliwanag niya pagbalik niya.”

“Ewan ko.”

Palabas na ako ng office building namin ng matanaw ko si Jonas sa labas.  Nagpanggap ako na hindi ko siya nakita at diretso lang ako naglalakad papuntang sakayan ng jeep.  Naiinis ako sa kanya sa ginawa niya.  Hindi ko pa siya handang kausapin.

Pero nakita din naman agad ako ni Jonas.  Nilapitan niya ako agad pero hindi ko siya pinansin at diretso lang talaga ang lakad ko.  Pero sinusundan pa rin niya ako at hinawakan ang braso ko.

“Hon ano ba?  Bakit ba hindi mo ako pinapansin?  Galit ka ba sa’kin?” tanong nito.  Ang mokong nagtanong pa talaga.  Hindi pa ba obvious?  Lalo tuloy nag-nit ang ulo ko.

“Nagtanong ka pa?  Ano sa tingin mo?” sagot ko sa kanya.  Akmang tatalikuran ko ulit siya pero napigilan niya ako.

“Hon, I’m sorry kung hindi ako nakapagpaalam.  Biglaan kasi.  May pinaasikaso si papa sa’kin.  Sorry na hon.”

“Bakit hindi mo man lang ako tinawagan pagdating mo dun?  Alam mo ba tawag ako ng tawag sa’yo?  Hindi na ako makatulog at makakain sa sobrang pag-aalala ko sa’yo.  Hindi mo man lang ba naisip ‘yun?” sa sobrang inis ko hindi ko na napigilang umiyak.  Akmang hahawakan niya ako pero umiwas ako.  “Wag mo akong hawakan.  Naiinis pa ako sa’yo.”

“Gustung-gusto na kita tawagan kaso hindi maka-pick up ng signal ang cellphone ko.  Wala rin telephone dun.” Paliwanag pa rin niya.

“Talaga?” pauyam kong sabi.  “Saang planeta ka ba nagpunta at hindi man lang naaabot ng sibilisasyon?”

“Hon, maniwala ka naman sa’kin o.  Totoo talaga.  Saka hindi na talaga ‘to mauulit.  Sorry na.  Babawi ako sa’yo.  Saan mo gusto pumunta?”

“Uuwi na ako.  Wala ako sa mood.”

“Sumakay ka na sa kotse.  Ihahatid kita.”

“Wag na.  Mag-jejeep nalang ako.  Umuwi ka na or pumunta ka kung saan mo gusto pumunta.”

“Hon naman eh.  Nagtatampo ka pa rin?  Kusa ka bang sasakay or kakargahin pa kita papunta sa kotse ko?”

“Ewan ko sa’yo.”  Naglakad na ako papunta sa sakayan ng bigla niya ako kargahin.

“Ano ba Jonas?  Ibaba mo nga ako.  Nakakahiya.”

“Ayoko.  Baka umalis ka.  Doon na kita ibababa sa kotse.”

“Andito na tayo sa kotse mo.  Ibaba mo na ako.  Bilis na pinagtitinginan na tayo o.”

“Hindi kita ibababa hanga’t hindi mo ako tinatawag na honey at hindi mo ko hahalikan.”

“Napapraning ka na ba?”

“Bahala ka basta ‘yun ang gusto ko.”

“Ikaw pa ngayon ang may ganang mag-demand.  Ikaw nga may kasalanan.  Bahala ka d’yan.  Sino ba sa’tin ang mabibigatan.”  Hindi pa rin ako sumusuko.  Nagtatampo pa rin ako pero kunting-kunti nalang talaga at bibigay na ako.  Kasi naman hindi ko talaga kayang magtampo ng matagal.

“Ah ganun?  Ayaw mo talaga?  So ako nalang ang hahalik sa’yo dito mismo sa harap ng maraming tao.” At nilalapit nga niya yung mukha niya sa’kin.  Todo iwas naman ako kaya binaba niya ako pero he pinned me against the side of his car.  Lalo na talaga akong walang kawala.  At akmang hahalikan na naman niya ako.

“Sige na, sige na.  Sasakay na ako.  Wag ka ng gumawa ng eksena dito.”

“Okey.  Let’s go.”  Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at pagkaupo ko, nanakawan pa rin ako ng halik.  Kumindat pa.  Pilyo talaga ang lalaking ‘to.

“So bati na tayo?” tanong nito pagkaupo sa driver’s seat.

“Oo na.  Pasalamat ka mahal kita.”  Nag-smile lang siya sa’kin pero parang may kakaiba sa ngiti niya.  Pero hindi ko nalang pinansin baka guni-guni ko lang 'yun.

Love Hurts, Love HealsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon