One week nalang at mag-cecelebrate na kami ng first year anniversary pero kailangan ko pumuntang cebu kasama ng ibang officemates ko para dumalo sa isang seminar. One week din kami dun. Tamang-tama pag-uwi ko anniversary na namin. Siya ang sosorpresahin ko pagbalik ko. Hindi na naman kasi masyadong nag-tetext at tumatawag ang isang ‘yun. At hindi na rin kami masyadong nagkikita. Busy na naman siguro sa negosyo. Pero hindi ko rin mapigilan mag-isip na baka may iba na siya pinagkakaabalahan kasi napapansin ko this past days nag-iba siya. Hindi na siya gaya ng dati. Pero pinipilit ko rin naman na hindi mag-isip ng masama. Baka busy lang talaga siya sa trabaho. Sana nga.
“Hi hon. Pupunta akong cebu the next day for a seminar. One week din kami dun.” Text ko kay Jonas.
“Okay, hon. Ingat ka dun. Hindi siguro kita mahahatid sa airport on that day kasi I have an appointment with our supplier.” Sagot niya sa’kin.
“It’s okay hon. I understand.” Lagi nalang talaga siyang busy.
Nakabalik na ako galing cebu at papunta ako ngayon sa restaurant ni Jonas. Sosorpresahin ko siya. Anniversary na namin ngayon. Malapit na ako sa restaurant nang matanaw ko ang sasakyan ni Jonas na kararating lang. Napapangiti nalang ako at excited na akong mayakap siya pero napalis ang ngiti ko ng makita kong may umibes na babae sa sasakyan niya at umabrisyete pa sa kanya pagpasok sa restaurant. Para akong tinulos sa kinatatayuan sa nakita ko. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko pero pumasok pa rin ako sa restaurant baka mali lang ang hinala ko. Baka pinsan lang niya ‘yun.
“Hon.” Tawag ko kay Jonas ng abutan ko siya sa loob. Nagulat siya ng makita niya ako at may dumaan na guilt sa mukha niya.
“Babe, who is she?” tanong ng babaeng kasama niya sa kanya. Inaamin ko, lamang ng ilang paligo sa’kin ang babae. Maganda, sexy, at matangkad. Parang modelo. Wala akong panama. at Babe ba talaga ang narinig ko? Totoo talaga ang hinala ko.
“Babe huh?!” tanging nasambit ko lang. Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit at gusto ng kumawala ang mag luha ko pero pinigilan ko lang. Ayokong maging kawawa sa harap nila.
“Babe si Aya. Hintayin mo nalang ako dito sa labas. Mag-uusap lang kami sandali.” Sabi niya sa babae. Nabigla naman ang babae pagkarinig sa pangalan ko at nakita ko ang awa sa mga mata niya ng tingnan niya ako.
“Aya dun nalang tayo mag-usap sa office ko.” Sumunod lang ako sa kanya papunta sa kanyang opisina. Hindi ako nag-sasalita sa labas baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ayokong mag-eskandalo.
“So kaya pala hindi ka na nagpapakita sa’kin this past days dahil may iba ka na.” sabi ko sa kanya ng makapasok kami sa loob ng opisina.
“Aya, I’m sorry.”
“Ano bang kasalanan ko sa’yo at ginaganito mo ako? Alam mo ba ang sakit-sakit dito.” At tinuro ko ang tapat ng dibdib ko. “Alam mo ba na para mo na rin akong pinatay.” Hindi ko na napigilan at tumulo na rin ang mga luha ko pero pinahid ko rin agad. Ayokong humagulhol sa harap niya.
“Aya, wala kang kasalanan. Ako ang may mali.”
“Kung wala, bakit mo ako sinaktan ng ganito? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko sa’yo?”
“Hindi sa ganun. It’s just that Jasmin is my childhood friend and first love. Nagkahiwalay lang kami ng magpunta siyang US para mag-aral. Akala ko nakalimutan ko na siya noong magkakilala tayo. Pero noong nagkita kami ulit bumalik lahat ng pagmamahal ko sa kanya. I’m so sorry.”
“So hindi mo talaga ako minahal. Ginamit mo lang ako.”
“Hindi totoo ‘yan. Minahal din naman kita. Totoo ‘yung mga ipinapakita ko sa’yo.”
“Pero mas mahal mo siya kaya siya ang pinili mo. Ano nga ba ang laban ko sa first love? Wala diba?” Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko. “Alam mo Jonas kung ano ang mas nagpapasakit? Wala kang balak sabihin sa akin ang totoo. Ginawa mo akong tanga. Kung hindi pa ako nagpunta dito para sana sorpresahin ka hindi ko malalaman ang totoo. Ano bang akala mo sa’kin? Walang damdamin? Na hindi masasaktan? Tao din naman ako. I deserve an explaination. Hindi ‘yung bigla-bigla ka nalang hindi magpapakita.”
“Alam ko mali ako. Hindi ko kasi alam paano ko sasabihin sa’yo. Alam ko na masasaktan ka ng sobra. Ayokong makita kang nasasaktan.”
“Kaya hindi ka nalang nagpapakita at hinayaan mo nalang na mamamatay ako sa sobrang pag-aalala sa’yo. Alam mo bang nas worst pa 'yun kaysa sinabi mo na lang ang totoo? Ibang klase ka rin no? wala kang puso. Sana hindi mo nalang ako niligawan. Sana hindi mo nalang ipinaramdam sa’kin na mahal mo ako kung sasaktan mo rin pala ako. Pinagsisihan ko ang araw na nakilala kita. Pinagsisihan ko na tinanggap kita sa buhay ko at lalong pinagsisihan ko na minahal kita. I really, really hate you!” Tumalikod na ako sa kanya para umalis nang may maalala ako na ibibigay sa kanya kaya bumalik ako sa harap niya.
“Siyanga pala. Nakalimutan ko ibigay sa’yo ang regalo ko.” At sinampal ko siya ng ubod lakas. Binuhos ko sa sampal na ‘yun lahat ng sakit na nararamdaman ko. At walang salitang iniwan ko na siya sa loob. At umalis na ako sa lugar na ‘yun kung saan nagsimula at nagtapos ang aking pag-ibig.
Jonas' POV
Sobrang sakit ng sampal na ibinigay sa’kin ni Aya pero alam ko kulang pa ‘yun sa sakit na nararamdaman niya. Hindi ko naman talaga siya gustong saktan pero mahal ko pa rin talaga si Jasmin. At na-realized ko na sa Jasmin ang gusto kong makasama habang-buhay nang makita ko siya ulit. Alam ko ang sama-sama ko.
“Babe.” Tawag ni Jasmin sa’kin ng pumasok siya sa office ko.
“Babe, galit na galit si Aya sa’kin.” Sabi ko sa kanya.
“Sa totoo lang babe, kahit sino ‘yan ang mararamdaman. Kung ako ang nasa posisyon ni Aya magagalit din ako. Hindi ka kasi nagpaalam ng maayos sa kanya.”
“Alam ko naman ‘yun. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Sinira ko ang first love niya.”
“Wag kang mag-alala, malalampasan din ni Aya ang problemang ‘to. Nakikita ko na she’s a strong woman.”
“Sana nga babe. Sana nga magiging okay din siya.” At sana mahahanap mo rin ang taong magmamahal sa’yo ng totoo Aya at magiging masaya ka, tanging nasabi ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Love Hurts, Love Heals
RomanceNaririndi na si Aya sa kakatanong ng mga tao sa paligid niya kung kailan siya magkaka-boyfriend kaya napagpasyahan niya na kung sino ang manliligaw sa kanya sasagutin niya. May manliligaw na kaya sa kanya? Kung meron man mamahalin kaya niya? Kung ma...