Chapter 3

36 3 0
                                        

Ang bilis talaga lumipas ng panahon.  Tatlong buwan na pala na nanliligaw sa akin si Jonas.  At sa lumipas na tatlong buwan ipinakita niya talaga sa akin na espesyal ako at nararamdaman ko na mahal niya ako.  Lagi niya ako hinahatid-sundo sa office kung wala siya importanteng gagawin at lagi niya ako pinapasaya.  Pati mga kaibigan ko kaibigan na rin niya.  Boto rin ang mga kaibigan ko sa kanya.  Pinagtutulakan na nga nila na sagutin ko na si Jonas.  Inaamin ko, mas lumalalim na ang nararamdaman ko sa kanya.  Na-mimiss ko siya kahit palagi naman kaming nagkikita.  Sa tingin ko, ito na ang panahon para sagutin ko na siya.  Naniniwala kasi ako na hindi ang ligawan ang pinatatagal kundi ang relasyon.

“Aya bakit hindi ka pa nag-aayos d’yan?  Baka dumating na ang sundo mo.”  Tanong ni Irene sa’kin.

“Ma-lalate lang siya ng kaunti.  May impotante daw siya aayusin sa restaurant.  Sinabi ko na nga na hindi na niya dapat ako sunduin pero mapilit talaga.”

“Aba! Ibang level na ‘yan ha.  Sigurado kang hindi pa kayo?  Sa mga kilos niyo parang kayo na.”

“Hindi pa kami officially together pero aaminin ko, mahal ko na siya.”  Kinikilig kong sabi.

“So ano pa hinihintay mo?  Sagutin mo na siya para happy-happy na.” kinikilig ding sabi nito.

“May plano na nga ako.  Tumitiyempo lang.  Alangan naman bigla kong sabihin.”

“O siya sige mauna na ako sa’yo.” Paalam ni Irene.

“Ok susunod na rin ako.  Sa lobby na lang ako maghihintay kay Jonas.”

Eksakto naman pagbaba ko sa lobby, dumating din si Jonas. 

“Hi.  How’s your day?” tanong ni Jonas sabay abot ng bulaklak.  Isn't it sweet?

“Ok lang naman.  Salamat sa bulaklak.  Lagi mo nalang ako binibigyan nito.”

“Gustung-gusto ko kasi pagmasdan ang mga mata mo sa tuwing binibigyan kita ng bulaklak.  Alam mo ba na mas nag-goglow ang mga mata mo sa tuwing binibigyan kita ng bulaklak?”

“Ayan ka na naman sa kakornihan mo.  Pasalamat ka gwapo ka kung hindi iiwan talaga kita dito.  Tara na nga.”  Sabi ko nalang sa kanya.

“Uy! Sinabi mo talaga na gwapo ako.  Wow! May sakit ka ba?  Parang ngayon mo lang yata ako pinupuri.”  Tudyo nito. 

“Heh!  Sige pangit ka na.  D’yan ka na nga.” saka nauna na akong maglakad palabas ng building.

“Pikon!  Binibiro lang kita.  Ang cute-cute mo talaga!” Sabi nito na tumatawang sumunod sa kanya.

“Jonas saan tayo pupunta?  Hindi ‘to ang daan papuntang apartment.”  Tanong ko sa kanya nang mapansin kong iba ang dinaanan namin.

“Daan muna tayo sa restaurant.  Doon na tayo mag-didinner.”

“Okey.  Ikaw ang bahala.”

Pagdating namin sa restaurant, napansin ko na walang customer.  Nakapagtataka kasi usually marami silang customers.

“Jonas ba’t wala yata akong nakikitang customers? Imposible naman yata.” Tanong ko sa kanya.

“May nagpareserve nitong buong restaurant tonight.”

“Eh kung ganun bakit tayo nandito?”

“Basta! Halika pasok tayo sa loob.”

“Sigurado ka?  Baka magalit yung nagpa-reserve.”

“Sure na sure.  Akong bahala.”

Pagpasok namin sa loob, namangha ako sa hitsura ng buong restaurant kasi napakaromantic ng ambiance at may background music pa.  Isang table lang at dalawang upuan ang nasa gitna na napapalibutan ng mga rose petals.

“Ang romantic pala ng nag-pareserve nito.  For sure, para sa girlfriend niya ‘to.”  Hindi ko napigilang sambit.  Bigla tuloy ako nangarap na sana maranasan ko rin ang ganyang sorpresa.

“Let’s go?”  at giniya niya ako palapit sa table.  Naguguluhan tuloy ako.  Para sa’kin kaya ang sorpresang ‘to?  Hope so!

“Teka lang baka maabutan tayo ng nagpa-reserve nito at pagalitan pa tayo.”

“Hindi ako magagalit.” 

“Anong sabi mo?”

“Hindi ako magagalit.  Actually,  I’m the one who reserved this place for tonight.  You like it?”  sabi niya sa’kin habang nakatingin ng diretso sa’king mga mata.  I’m so overwhelmed.  Napaiyak ako sa sobrang saya at kilig.  I never imagined na gagawin niya ‘to para sa’kin.

“Don’t cry.  I did this to make you happy.” At pinunasan niya ang mga luha ko.

“I know.  Napaluha lang ako sa sobrang saya.  I never expected it.  Thank you so much.”

“Salamat at nagustuhan mo.  I just want to show to you how much I love you.  I love you Aya.” Madamdaming sabi niya sa’kin.

“I love you too, Jonas.” Ito na talaga ang tamang pagkakataon.  For a while, parang shock lang siya sa narinig at unti-unting lumiwanag ang mukha niya at kumikislap ang mga mata sa saya.

“Really?”  Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit at pagkatapos hinalikan niya ako sa mga labi.  Goodness gracious!  This is my first kiss for God’s sake.  Ang sarap pala talaga.

“So I guess this is our first dinner as a real couple.”  Naka-smile na sabi nito.  Ginagap niya ang kamay ko at giniya niya ako papunta sa table.

“Thank you so much, Jonas.  Tonight is the best night of my life.” Sabi ko sa kanya habang kumakain kami.

“You’re welcome hon.  Alam mo naman na lahat gagawin ko para sa’yo.  By the way, from now on honey na ang itatawag ko sa’yo.”  And he smiled again.  Nakikita ko talaga sa mukha niya ang kasiyahan.

“Ok, honey, my love, so sweet.” Tudyo ko sa kanya.

“Silly!  I really like you when you’re teasing me.  You’re so cute.”  Natatawang sabi nito.

“At nagiging cheesy ka na naman.”  Natatawa na lang kami pareho.

Love Hurts, Love HealsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon