Chapter 14

36 1 3
                                    




"Girls, let's go." Sabi ni Ivan nang pumasok siya sa office namin kinahapunan.


"Ahm! Sir, saan po tayo pupunta?" tanong ni Irene na unang nakabawi sa biglaang pagpasok ni Ivan sa office.


"Aya, you didn't tell them?" baling sa'kin ni Ivan. Umiling nalang ako. "Well, I'll go with you guys. Diba mag-cecelebrate kayo ng birthday ni Aya." Sagot niya sa tanong ni Irene.


"Ohh? Hmmm. I smell something." Si Irene na makahulugan ang tingin at ngiti sa'kin. Nagkibit balikat nalang ako.


"Your treat sir?" tanong naman ng isa kong officemate.


"No. I really want to but ayaw ni Aya. Sobrang ma-pride kasi." Sagot naman nito.


"Hep! Kung makapagsalita kayo parang wala lang ako sa tabi ah.  Mabuti pa alis na tayo." Sabad ko sa kanila.


"Teka lang muna, hindi pa nga kami nakapag-retouch eh." Sabi ni Irene. "Ikaw naman kasi Aya, hindi mo naman kasi sinabi na sasama pala si Sir Ivan."


"Sorry na.  Nakalimutan ko kasi may tumawag sa'kin kanina pagpasok ko dito sa office.  Nawala na sa isip ko." Paliwanag ko sa kanila. "Sir okay lang po ba na maghintay kayo? Baka mainip kayo.  Nakakahiya naman."


"It's okay.  Just take your time.  I'll just sit here." At umupo na siya sa harap ng table ko.  Nate-tense tuloy ako bigla.  Hindi pa rin talaga ako nasasanay sa presensiya niya. "Sinong tumawag sayo kanina?" bigla niyang tanong.  Napabaling tuloy sila lahat sa'kin.


"Yung manager ng branch na hina-handle ko.  May concerns lang siya."


"Okay.  Akala ko naman kung sino.  Tigilan mo na rin 'yang ginagawa mo.  Mag-prepare kana rin."  Napatingin na naman silang lahat sa'ming dalawa.  Pinapahamak na talaga ako ng lalaking 'to.  Paniguradong mapupuno ako sa tukso kapag nasolo ako ng mga officemates ko.


"Okay po.  Eto na po, pinapatay na po ang pc." Sagot ko.


"You are really a silly girl." Nakangiti niyang sabi sabay pisil sa ilong ko.


"Aray! Kung makapisil naman wagas.  Anong akala mo sa'kin bata?" reklamo ko habang hinihimas ang ilong.  Ang sakit kaya.


"Sorry.  Nasobrahan ba? Patingin nga." Then he cupped my face at hinihimas ng hinlalaki niya ang ilong ko.  Napatitig tuloy ako sa mga mata niya na parang nanghihipnotismo.  Feeling ko kaming dalawa nalang ang natitirang tao sa mundo.  Habang nakatitig ako sa kanya, kumakabog ng malakas ang dibdib ko pero I feel so at peace and calm.  I can go on forever just staring at his handsome face.


"Ehem!" malakas na tikhim ni Irene.  "Tara na guys.  Parang magkakaroon yata ng liveshow."  Bigla akong natauhan. Natulak ko bigla si Ivan at nag-iwas ng tingin sa kanya.  Ramdam ko, pulang-pula na ang pisngi ko.  Nakakahiya.

Love Hurts, Love HealsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon