Ilang araw na rin mula ng naging magkaibigan kami ni Ivan. At infairness hindi na niya ako nilalait. Hinahatid rin niya ako sa apartment kapag pareho kami gabi na uuwi. Ewan ko rin ba at palagi nalang kami nagkakasabay lumabas ng building. At kumakain pa kami ng dinner sa restaurant bago niya ako ihahatid sa apartment. Sobrang nakakahiya na talaga. Hindi ko rin naman siya mahindian. Alam niyo naman, ayaw nun na kinokontra. Saka hindi ko rin maipaliwanag ang saya ko kapag kasama ko siya. Alam ko naman na hindi tama pero hindi ko pa rin mapigilan. Hay! Nakakaloka!
“Aya, matanong nga kita, may something na ba kayo ni Sir Ivan?” tanong sakin ni Irene nang nagpapahinga kami sa lunch break namin.
“Wala ah. Bat mo naman natanong yan? At saka boss natin siya, wag kang mang-intriga.”
“Eh kasi napapansin ko parang iba na ang pakikitungo nyo sa isa’t-isa. Hindi na gaya ng dati. At pansin ko rin hindi ka na bad trip sa kanya.”
“Ikaw ha ang dami mong napapansin. Hindi na ako bad trip sa kanya kasi hindi na niya ako pinagtitripan.” Hindi rin pala alam ng mga officemates ko ang pagkakaibigan namin ni Ivan at ang paghahatid niya sa’kin. Baka kasi tutuksuhin lang nila ako at malaman pa ng buong company. Ayokong magkaroon ng issue.
“Weh? Di nga? Hindi talaga eh, parang may iba talaga. Ikaw ha baka may itinatago ka na sa’min.”
“Irene ha tigilan mo’ko. Bawas-bawasan mo na yang pagka-tsismosa mo, hindi na maganda yan.”
“Ito naman, tsismosa agad? Hindi ba pwedeng nagtatanong lang muna?”
“Ay! Ewan ko sayong babae ka.” Ayoko rin naman kasi talaga ikwento kasi hindi naman big deal yun. Nagmamagandang loob lang si Ivan. Ayokong bigyan ng ibang kahulugan ang mga actions niya.
“Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday to you.” sabay-sabay na kanta ng mga officemates ko ng pumasok ako sa office namin. Sobrang na-surprise talaga ako sa ginawa nila. Hindi ko inakala na may plano sila. Hindi kasi ako sumabay sa kanila pabalik ng office after kumain ng lunch kasi tinawagan ko pa ang family ko. Tumatawag nalang kasi ako tuwing birthday ko para kahit papano makausap ko man lang sila sa espesyal na araw ng aking buhay.
“Wow! Guys grabe, thank you talaga. Sobrang thank you, to the highest level.” Sabi ko na naiiyak.
“Your welcome.” Sabay-sabay din nilang sagot. Natawa nalang ako.
“Blow the candle na. Make a wish muna pala.” Sabi naman ni Joan na may dala ng cake. Pagkatapos ko mag-blow ng candle, isa-isa na silang yumakap sakin at nagbigay ng greetings.
“Group hug tayo guys.” Sabi ko sa kanila. “Salamat sa surprise nyo. Labas tayo mamaya.”
“Sige ba. Ikaw ang taya kasi birthday mo.” Sabi naman ni Irene.

BINABASA MO ANG
Love Hurts, Love Heals
RomanceNaririndi na si Aya sa kakatanong ng mga tao sa paligid niya kung kailan siya magkaka-boyfriend kaya napagpasyahan niya na kung sino ang manliligaw sa kanya sasagutin niya. May manliligaw na kaya sa kanya? Kung meron man mamahalin kaya niya? Kung ma...