"Ahemm! Ano pa ang nangyari kagabi?" tanong agad sa'kin ni Irene, pagkaupo ko pa lang sa cubicle ko.
"Ano? Anong nangyari kagabi ang pinagsasabi mo dyan?"
"Eto naman. Pa-inocent effect pa ang bruha. Anong nangyari pagkatapos ka ihatid ni Sir Ivan? Grabe ang haba na talaga ng hair mo girl. Imagine, ang boss ang naghatid sayo." Kulit pa ni Irene sa'kin. Mabuti nalang talaga at kami pa ang tao sa office.
"Ikaw talaga, ang hilig mo mang-intriga. Hinatid lang naman ako ni Sir tapos umuwi na rin siya."
"Weeh? Nakaka-intriga naman talaga kasi. Parang sa mga romance pocketbooks lang na nabasa ko. Kunwari pahatid-hatid lang o kaya kaibigan lang pero ang totoo may tinatagong feelings na pala." At nakangisi pa na humarap sa'kin.
"Uy ah. Tigilan mo na ako. At saka tigilan mo na 'yang kababasa mo ng mga pocketbooks. Hindi na maganda ang epekto sa'yo. Kung anu-ano na ang na-iimagine mo. Magtrabaho ka na nga lang dyan."
"Hahah. Umiiwas. Aminin mo nga sa'kin. May gusto ka kay Sir Ivan noh?" Pagkarinig ko sa tanong ni Irene parang biglang uminit ang pakiramdam ko at feeling ko ang pula-pula ng mukha ko.
"Hindi ah. Bakit naman ako magkakagusto dun?" deny ko na hindi tumitingin kay Irene. Nagkukunwari nalang ako na abala sa computer ko.
"Bat namumula yang mukha mo?" natatawang sabi ni Irene. "Pero dahil yan ang sabi mo, sige na nga, papaniwalaan ko nalang yan kahit hindi naman kapani-paniwala." Hirit pa nito. Hindi nalang ako sumagot.
"Aya." Tawag sa'kin ni Ivan nang papasok na ako sa elevator.
"Yes sir?"
"Sir again? I thought I already made it clear to you that you call me by my name. Gusto mo ba talagang hindi kita iuwi sa inyo?"
"Sir naman eh. Este, Ivan pala. Sorry. Hindi pa talaga ako nasanay. Saka nasa office po kasi tayo."
"Okay. I'll buy that but this would be the last. By the way, where's your officemates? Bakit mag-isa ka lang?"
"Nauna na silang kumain ng lunch. May tinapos pa kasi ako."
"Tamang-tama. Sabay nalang tayo mag-lunch." Eksakto naman na bumukas ang elevator sa ground floor. "Let's go." Sabay hila sa'kin.
"Eh Ivan sa canteen nalang ako kakain. Kailangan ko kasi bumalik agad pagkatapos kumain."
"Samahan mo na ako. Malungkot kasi kumain mag-isa. Please?" at nagpapaawa pa. At bakit mas lalo pa siyang gumwapo sa paningin ko? Nababaliw na ako. "Babalik rin naman tayo agad. I also have lots of things to do." At bakit parang ayaw ko na siya tanggihan?
"Okay. Sige na nga." Sang-ayon ko. I'm crazier, really.
"How's work?" tanong ni Ivan sa'kin habang hinihintay namin ang order naming pagkain.
"It's fine. Medyo busy lang talaga ngayon. Deadline na kasi ng mga reports ko. By the way, mabuti wala kang lunch meeting ngayon?"
"Yeah! Mabuti nalang wala. Inaalam mo ba ang sched ko? Are you stalking me?" nakangisi niyang tanong.
"Ang kapal ha. Naririnig ko lang yan sa mga kasamahan ko. Hindi mo ba alam na pinagkakaguluhan ka ng mga empleyado mong babae at binabae. Inaabangan talaga ang pagdating mo sa opisina. Daig mo pa ang artista. Parang may fans club ka na yata eh." Kasali na ako dun. Dugtong ko sa isip ko. Mas okay pala na inamin ko na sa sarili ko na may feelings ako sa kanya. Kasi ang gaan na ng pakiramdam ko kapag magkasama kami. Mas na-eenjoy ko ang moment namin na magkasama kahit kaibigan lang ang turing niya sa'kin.
"Wooh! Hindi ko alam na may nangyayari na palang ganyan." Natatawa na rin siya. "Kasali ka ba sa fans club ko? O baka naman ikaw ang president?"
"Ano ako sira? Hindi ko nga rin alam bakit nagkakagulo sila sayo eh." Syempre tanggi to the highest level ako.
"Nagtataka ka pa. Kitang-kita naman ang ebidensya."
"Whatever!" sagot ko. Eksakto naman na dumating ang inorder namin.
BINABASA MO ANG
Love Hurts, Love Heals
RomanceNaririndi na si Aya sa kakatanong ng mga tao sa paligid niya kung kailan siya magkaka-boyfriend kaya napagpasyahan niya na kung sino ang manliligaw sa kanya sasagutin niya. May manliligaw na kaya sa kanya? Kung meron man mamahalin kaya niya? Kung ma...