Chapter 20

25 1 1
                                    


A/N:

Sorry po, ngayon lang nakapag-update.  Medyo busy lang po.

Happy reading.. :)

===========================


"O Aya, bakit nag-eemo ka dyan?" tanong ni Mafe nang maabutan niya akong nakatunganga.  Kakatapos lang kasi ng crying session ko.


"Nagmamahal lang." sagot ko.


"Anong bago dun?"


"At nasasaktan na naman.  Hay!  Sa simula pa lang, alam ko naman talaga na masasaktan lang ako eh.  Hinanda ko na ang sarili ko pero sobrang sakit pala talaga.  Mas masakit pa 'tong nararamdaman ko ngayon compare sa ginawa ni Jonas." 


"Ano bang nangyari?"


"Pinamukha lang naman niya sa'kin na kaibigan lang talaga ang turing niya sa'kin.  Wala man lang pasakalye.  Tapos nag-walk out ako."


"Ano?  Nag-walk out ka sa boss mo?  Ang lakas ng apog mo ah.  At bakit may pa-walk out-walk out ka pang nalalaman?  Matagal mo na namang alam na kaibigan lang talaga ang tingin niya sa'yo."


"Kainis ka.  Nag-eemote na nga ako dito, hindi mo naman ako inaalo."


"Totoo naman kasi ang sinasabi ko."


"Oo na.  Wag ka ng dumagdag.  Pero seryoso na, ano bang dapat kung gawin?  How to unlove him?"


"Ok, seryoso na.  Sa totoo lang hindi ko alam ang sagot dyan sa tanong mo.  Ang hirap naman kasi ng sitwasyon mo.  Makikita mo siya araw-araw.  Ang hirap makalimot."


"Oo nga eh.  Mag-reresign na kaya ako?" 


"Hoy gaga!" binatukan pa ako.  "Anong resign?  Mag-isip ka nga.  Ang hirap na humanap ng trabaho ngayon.  Pano na ang pamilya mo kung mag-reresign ka?"


"Oo nga pala." sinabunutan ko nalang ang sarili ko.  "Mababaliw na yata ako.  Letseng puso naman kasi 'to eh.  Ang taas ng standards, dun pa tumibok sa lalaking hindi ko maabot."  naluha na naman ako.


"Matanong nga kita, do you really want to stop loving him?"


"Oo?" sagot ko.  "Na parang hindi.  I'm happy when I'm with him.  Kahit makita ko lang siya, masaya na ako.  And I love that feeling.  Pero kung makikita ko naman siya na may kasamang iba, masasaktan naman ako."  Ang gulo ko noh?  Kahit ako naguguluhan na rin sa sarili ko.  Gusto ko siyang kalimutan pero iniisip ko pa lang, nalulungkot na ako. 


"Hay pag-ibig!  Nakakabaliw." komento nalang ni Mafe.






Love Hurts, Love HealsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon