“Kristin, nasaan ka na? Nandito na ako sa meeting place natin.” tanong ko kay Kristin ng tawagan ko siya. Nauna kasi ako dumating, as usual. Lagi nalang kasi siya nala-late pero ok lang din naman basta hindi lang masyado matagal.
“Hala! Aya nandito pa ako sa office, may urgent task kasi na pinagawa ang boss ko. Mala-late lang ako ng kaunti. Pasensya na talaga. Promise bibilisan ko talaga.” Sagot naman ni Kristin.
“Ok, I’ll wait for you here pero utang na loob bilis-bilisan mo. Ang dami kasi masakit sa mata dito.”
“Hello! Anong masakit sa mata ang pinagsasabi mo dyan? Nasa restaurant ka kaya.” Shock na sagot nito.
“Ang ibig kong sabihin, maraming lovers dito na may mga sariling mundo. Hindi ako maka-relate. Sakit sa ulo.”
“Hahahah…” tawa lang talaga ang sinagot niya at binabaan na ako ng phone. Bruha talaga. Pero syempre naging makulay naman ang mundo ko dahil sa kanya. I’ve known Kristin since we were in elementary. Magkaibang-magkaiba ang mga ugali namin pero nagki-click kami. Si Kristin yung tipong outspoken at sinasabi talaga ang gusto niya sabihin ng walang pag-alinlangan. Ako naman yung tipong nakikinig lang at hindi masyado nagsasalita lalo na sa mga bagong kakilala. Pero kahit ganun, marami pa rin naman kaming mga bagay na napagkakasunduan at nagiging masyadong madaldal ako kapag siya ang kasama ko. Isn’t it amazing?
Habang naghihintay ako, nakikinig nalang ako ng music. Narerelax kasi ako kapag nakikinig ako ng music at hindi ko napapansin ang oras.
After 1 hour…
Nagmamadaling lumapit sa table na inookupa ko si Kristin.
“Anong petsa na?” salubong ko sa kanya.
“Sorry na kasi naman ang boss ko ang daming arte sa katawan. Smile ka na dyan. Nandito na naman ako eh.”
“Tse! Alam mo bang nahulas na ang ganda ko sa kahihintay sayo? At napa-order na ako ng kakainin kasi para na akong tanga dito.”
“Sorry na. Hindi na talaga mauulit. Promise. Saka ngayon lang naman ako sobrang na-late.”
“O siya. Sige na. Ok na basta ikaw ang magbabayad sa dinner natin. Wag kang kokontra. Pambayad mo yan sa pagiging late mo.”
“Naman! Hindi ba pwedeng share nalang tayo?” Kontra pa nito. Umiling lang ako sa kanya. Minsan talaga napapakinabangan ko ang pagiging late nito. Heheh. Makaorder nga ng marami.
“Tatawagin ko na ba ang waiter para sa order natin?” tanong ko kay Kristin.
“Hindi naman tayo dito mag-didinner eh. Pero tawagin mo na rin ang waiter para mabayaran ko na ‘yang kinain mo.”
“Ano? Saan tayo kakain? Bakit kailangan pa natin lumipat? Nakakatamad na eh.”
“Basta! Anyways, go muna sa powder room to retouch. Don’t say no, baka gusto mo hindi ko bayaran ang inorder mo.”
“Nag-retouch na ako kanina. Saan ba talaga tayo pupunta? Hindi ako mag-reretouch kapag hindi mo sinabi sa’kin.” Ganti ko rin sa kanya.
“Ang tamad mo talaga. Ok fine! Dun tayo mag-didinner sa restaurant ng friend ko. Ipapakilala ko siya sayo. Don’t worry mabait yun at infairness gwapo rin.” Naka-smile pang sabi nito.
“Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi tuloy ako nakapaghanda.”
“Himala ng mga himala! Wala ka yatang violent reaction? Hindi ko sinabi sayo dahil alam ko tatanggihan mo lang.”
“I’ve change. Nakakapraning na kasi yung palaging hot topic ang lovelife ko. Parang gusto ko na rin maki-pagdate.”
“Alright! Sige freshen up na.”
BINABASA MO ANG
Love Hurts, Love Heals
RomanceNaririndi na si Aya sa kakatanong ng mga tao sa paligid niya kung kailan siya magkaka-boyfriend kaya napagpasyahan niya na kung sino ang manliligaw sa kanya sasagutin niya. May manliligaw na kaya sa kanya? Kung meron man mamahalin kaya niya? Kung ma...