"Aya, may problema ka ba?" tanong ni Ivan sa'kin nang pinapunta niya ako sa office niya. Gustuhin ko man na hindi magpunta, pero hindi naman pwede kasi boss ko pa rin naman siya.
"Wala po. Bakit niyo po ako pinatawag?"
"Kung wala, bakit hindi mo na ako pinapansin? Bakit nag-iba ang pakikitungo mo sa'kin?" sabi niya na hindi sinasagot ang tanong ko.
"Hindi naman ah. Guni-guni mo lang 'yun." Sagot ko naman. Syempre hindi ako aamin.
"So kung walang problema, let's have dinner tonight."
"Hindi ako pwede tonight. Marami pa akong kailangang gawin." Tanggi ko. Hindi pa ako handang makipaglapit ulit sa kanya.
"Like what? Sa pagkakaalam ko, hindi ka na busy sa trabaho mo ngayon. Hindi ka na nga nag-oovertime, hindi ba?"
"Hindi naman 'to about work. Hindi talaga ako pwede."
"Nagdadahilan ka lang. What's really the problem?"
"Wala nga sabi. Ba't ba ang kulit mo?
"Sumama ka sa'kin. I don't take no for an answer."
"Ano ba Ivan? Hindi porke't boss kita, masusunod na lahat ng kagustuhan mo." Nag-iinit na rin kasi ang ulo ko sa inaakto niya. "At sa totoo lang, wala ka rin namang pakialam kung may problema man ako o wala. Empleyado mo lang ako at boss kita."
"We're friends. I'm just concerned about you."
"Friends." Ulit ko sa sinabi niya. "Hindi ko naman hinihingi sa'yo na maging concern ka sa'kin ah. Sa totoo lang kasi, hindi ko na naiintindihan ang mga ginagawa mo. Ako lang ang bukod tanging empleyado mo na kinaibigan mo. Ako lang ang sinabihan mo na dapat tawagin lang kita sa pangalan mo. Ako lang ang palaging inimbitahan mo ng dinner at lunch. At palagi kang sumasama sa'kin. Ivan ano ba talaga ang gusto mo? Kasi ako, gulong-gulo na rin. Sumasakit na ang bangs ko sayo." Litanya ko sa kanya.
"Wala ka namang bangs ah." Sagot naman niya. Lalo tuloy sumakit ang ulo ko.
"Ewan ko sa'yo. Expressions lang yun." Kunti nalang talaga sasabog na ako. "And ano ba talaga ang kailangan mo at pinatawag mo ako?"
"Gusto lang kitang tanungin kung anong problema mo."
"Yun lang? Ivan naman, ang dami kong trabahong kailangang gawin tapos pinatawag mo lang ako para lang tanungin ako sa problema ko?! Bakit ba ginawa mong big deal 'to?" tanong ko. Umaasa ako na sabihin niya sa'kin na gusto rin niya ako kaya ganito nalang siya maka-react.
"It's because I..., ahm, I care for you. I care for you because, you're my friend." Sa narinig, lumagapak ang puso ko sa sahig at nagkapira-piraso. Ang sakit-sakit. Yan ang napapala sa umaasa na hindi naman dapat. Nag-walk out na din ako. Hindi niya pwedeng makita na nasasaktan ako at hindi niya dapat makita na umiiyak ako.
Pagkagaling ko sa opisina ni Ivan, dumiretso na ako sa restroom. Dito ako umiyak ng umiyak. Bahala na ang trabaho kung naiwan. Hindi ko na rin kayang magtrabaho pa sa lagay na'to. Bakit ba naman kasi nagmahal ako sa lalaking hindi ko dapat mahalin? Marami namang iba d'yan, bakit sa kanya pa? Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan?
"Ma'am, pwede po ba na mag-uundertime ako ngayon?." Paalam ko sa head namin.
"Bakit? May problema ba? Namumugto ang mga mata mo."
"Sobrang sakit po kasi ng ulo ko. Hindi ko na po kayang magtrabaho ngayon." Pag-sisinungaling ko.
"Okay! Sige umuwi ka na." mabuti nalang talaga mabait ang head namin. "Uminom ka ng gamot. Bago ka umuwi, dumaan ka muna sa clinic para makahingi ka ng gamot."
"Okay po ma'am. Maraming salamat po. Tutuloy na po ako." Paalam ko sa kanya. Bumalik lang ako sa cubicle para e.off ang computer ko at para kunin na rin ang bag ko.
"Aya, mag-uundertime ka?" tanong ni Irene nang napansing bitbit ko na ang bag ko.
"Oo." Maikli kong sagot.
"Anong nangyari? Ba't namumugto yang mga mata mo?"
"Saka ko nalang sasabihin kapag hawak ko na ulit ang sarili ko. Kasi ngayon watak-watak pa ako. Kailangan ko munang mapag-isa."
"Okay." sagot nalang ni Irene. "Mag-iingat ka."

BINABASA MO ANG
Love Hurts, Love Heals
RomanceNaririndi na si Aya sa kakatanong ng mga tao sa paligid niya kung kailan siya magkaka-boyfriend kaya napagpasyahan niya na kung sino ang manliligaw sa kanya sasagutin niya. May manliligaw na kaya sa kanya? Kung meron man mamahalin kaya niya? Kung ma...