Paglingon ko, parang tumigil ang mundo ko sa nakita. As in, sobrang nabigla talaga ako. Nakita ko si Ivan nakatingin sa'kin at nakangiti. May dala din siyang mga bulaklak. Sa likuran niya may mga empleyado na may dalang mga letters na "I'M SORRY" and "I LOVE YOU AYA". May mga balloons pa. Paano kaya sila nagtago? Wala naman kasi akong napansin kanina. Anyways, para na akong matutunaw sa mga tingin ni Ivan. Idagdag pa ang mapanuksong tingin at ngiti ng mga kasamahan kong empleyado. Gusto ko na nga maglupasay sa sobrang kilig. Gusto ko na siyang takbuhin at yakapin. Pero syempre, magpapakipot muna ako. Pati nga pagngiti, pinigilan ko.
"Ivan, anong drama 'to?" seryoso kong tanong sa kanya. Nawala naman ang ngiti niya sa sinabi ko. Nakikita ko sa mga mata niya ang takot at kaba. Akalain mo yun, kakabahan at matatakot rin pala ang isang Ivan James Villongco.
"Aya, I'm really sorry. Please let me explain." Sabi niya sa'kin. Binigay niya sa'kin ang dala niyang mga bulaklak pero hindi ko pa tinanggap.
"Ok. Explain."
"Ok. Tanggapin mo na 'tong bulaklak, then let's go." At akmang hihilahin na niya ako palabas.
"Hep!" pigil ko sa kanya. "Bakit kailangan pa nating umalis? Mag-eexplain ka lang naman diba?"
"Mahabang paliwanagan kasi ang mangyayari. I want to tell you everything. From the very beginning." Sabi niya. "At saka maririnig ng lahat ang sasabihin ko kung dito tayo." Bulong niya sa'kin. "Please."
"Bakit? Nahihiya ka bang malaman ng lahat? Kinakahiya mo ba ako?"
"It's not like that. Kung kinakahiya kita, sana hindi nalang ako nakiusap sa mga empleyado na gawin 'to. Wag ka nalang kasing magpakipot. Halata ka masyado." Tukso niya sa'kin. Hinila na rin niya ako palabas. Hindi na ako nakapalag. Nagsigawan naman ang mga tao sa paligid namin.
"Baka gusto mo ng magsalita." Sabi ko sa kanya. Hindi na kasi ako nakatiis. Hindi pa kasi siya nagsasalita, ilang minuto na kaming nakaupo sa bench ng park na pinagdalhan niya sa'kin. Mabuti nalang din dito niya ako dinala kasi refreshing ang paligid. Nakakawala ng stress.
![](https://img.wattpad.com/cover/11500349-288-k191383.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Hurts, Love Heals
RomanceNaririndi na si Aya sa kakatanong ng mga tao sa paligid niya kung kailan siya magkaka-boyfriend kaya napagpasyahan niya na kung sino ang manliligaw sa kanya sasagutin niya. May manliligaw na kaya sa kanya? Kung meron man mamahalin kaya niya? Kung ma...