Chapter 11

37 1 0
                                    

May company party kami ngayon.  Mag-cecelebrate ang kompanya namin ng anniversary at pormal rin na ipapakilala ang bagong CEO.  Tama. Si Sir Ivan na ang CEO ng kompanya.  Almost two years na rin ng dumating dito si Sir Ivan.  From Marketing head, naging VP for Marketing siya at ngayon nga siya na ang CEO. 

Simula rin nung sinabay niya ako sa pag-uwi, hindi na niya ako masyadong pini-pressure sa mga request niya pero masungit pa rin at palagi nalang may napupuna sa’kin.  Hindi ko rin maiwasan na mainis sa kanya kahit na pinagaan niya ang loob ko noong nakita ko ulit si Jonas.  Kasi naman sa lahat ng empleyado ako lagi ang napag-titripan.  Anyways, ngayon, masaya na ako kasi wala ng rason para lagi niya ako ipatawag.  Ang saya lang. 

Pagdating ko sa venue, hinanap ko agad sila Joan at ang aking mga officemates.

“Hi guys.” Bati ko sa kanila paglapit ko.

“Who are you?” tanong pa ni Joan.

“Joan ha. Tigilan mo ako. Baka gusto mo iumpog kita sa pader para tuluyan mo na akong hindi makilala.” Sagot ko naman.

“Hey! Sandali nga hindi ako nagbibiro. Teka nga. Aya ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa’kin. “Guys si Aya ba ‘to?” tanong naman niya sa mga officemates namin. Nagkibit-balikat nalang ako habang nakangiti. Hindi ko sila masisi, para naman kasi akong nag-evolve. 

“Aya, oh my God, you’re so gorgeous.” Sabi naman ni Irene na parang hindi makapaniwala.

“Infairness, nagpa-parlor ka talaga para sa party?” tanong naman ni Joan.

“Excuse me.  Hindi ako nagpa-parlor. Ako lang ang nag-make-up ng mukha ko.  Nagpatulong lang ako kay Mafe.” Sagot ko naman.

“Aya, bagay pala sa’yo ang naka-make up. Mas lalo kang gumanda. Araw-arawin mo na ‘yan. You’re glowing.” Sabi naman ni Irene.

“Why not? Kung hindi ako tatamarin.”

“Aya, wag ka ng tatamad-tamad sa pag-ayos ng sarili mo para magka-boyfriend ka na ulit.” Sabi naman ni Joan.

“Everyone, may I have your attention please.” Kuha ng atensyon ng host ng party. “We are about to start.” Kaya na-focus na ang atensyon namin sa makeshift stage.

Nagbigay ng speech ang patriarch ng pamilya, si Mr. Arnulfo Villongco, ang founder ng company at lolo ni Sir Ivan. Nagbigay din ng speech ang President, si Mr. Jaime Villongco, ang panganay na anak ni Sir Arnulfo at ama ni Sir Ivan.  At syempre, may speech din ang bagong CEO ng kompanya na si Sir Ivan.

“Ang gwapo talaga ni Sir Ivan no?” narinig kong sabi ni Joan habang nagsasalita si Sir Ivan.

“He’s dangerously handsome in his suit. Hindi ka mag-sasawang tingnan siya.” Sabi naman ni Irene.  Totoo naman talaga ang sabi nila.  Kahit naiinis ako kay Sir Ivan hindi ko pa rin mapigilan na hindi humanga sa taglay niyang kagwapuhan. Para siyang isang Greek God na bumaba galing sa langit.

Pagkatapos ng speeches, kainan na and then the real party started.  Sila Irene, Joan at iba mga officemates ko nandun na sa dance floor nagsasayaw. At infairness din, nakabingwit ng mga gwapo na partners.  Ako naman, nakaupo lang dito sa table namin. Hindi kasi talaga ako komportable na magsuot ng gown.

“Hi. Why you’re just sitting here?” tanong ng lalaking umupo sa tabi ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko pagkakita ko sa kanya. Bakit ba naman kasi bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nasa harapan ko ang lalaking ito? Sasabihin ko na. Si Sir Ivan ang lalaking umupo sa tabi ko.

“Sa totoo lang po sir, hindi po kasi ako komportable sa suot ko.” Sagot ko.

“You’re kidding me.” Nailing pang sabi nito. “You look stunning in your dress.” Seriously? Pinuri niya ako? Tumalon yata ang puso ko.

Love Hurts, Love HealsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon