"Kainis ka talaga. Oo na. Mahal din kita." amin ko na rin sa kanya. Wala rin namang kwenta kung magdeny pa ako.
"Yes!" sigaw niya. "Thank you. I love you, Aya ." at hinalikan ako sa mga labi. Oh my gosh! Para akong nakuryente sa isang simpleng halik lang niya. Mas intense pa 'tong nararamdaman ko ngayon compare sa una kong halik. Ngayon ko pa lang 'to naramdaman. Sobrang saya ko. Yung feeling na parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya at excitement. Pero hindi ko rin maikakaila na may takot din akong nararamdaman. Takot na baka iwan lang din niya ako.
"I love you too, Ivan. Kaya please, wag mo akong sasaktan. And if ever, you'll fall out of love, sabihin mo lang sa'kin. Hindi kita pipigilan. Basta wag mo lang akong iwan ng walang paalam."
"Aya, what are you talking about? Hindi mangyayari yun. I promise." at niyakap niya ako.
"I really hope so."
"Tell me, may bumabagabag ba sa'yo?"
"Wala naman." tanggi ko.
"I know, there is. Come on. Spill it. I'm your boyfriend now. I want you to be honest with me. And tell me what's on your mind."
"I'm just scared that you will leave me, like what Jonas did to me. Takot na akong masaktan ulit."
"Jonas na naman. Masusuntok ko na talaga ang lalaking 'yun. I didn't know na ganun ka lalim ang iniwan niyang sugat sa puso mo." niyakap na naman niya ako at hinalikan sa noo. "Tell me honestly, wala ka na ba talagang nararamdaman sa kanya?" aniya na bumitiw sa pagkakayakap sa'kin at tiningnan ako sa mga mata.
"Wala na. Matagal na. Ikaw na ang laman ng puso ko ngayon." nakangiti kong sagot at hinawakan ang pisngi niya.
"Ok. I trust you. And please trust my love for you. I will never leave your side. Kahit pa magsawa ka sa pagmumukha ko, problema mo na yun. Basta hinding-hindi ako aalis."
"Ang corny mo talaga buti nalang mahal kita." natatawa kong sabi.
"Say it again."
"What?"
"Say it again. Yung huling sinabi mo."
"Yung corny ka?" pagmaang-maangan ko. Tinutukso ko lang siya.
"I know you know what I mean."
"Hahah. Ang gwapo mo talaga." natatawa lang talaga ako sa reaction niya. Para siyang bata na naghihintay mabigyan ng candy. "I love you, Mr. Ivan James Villongco." at hinalikan ko na rin siya sa mga labi. Dampi lang sana sa mga labi niya ang gagawin ko pero hindi na rin niya ako pinakawalan. Wala na rin akong pakialam kung nasa park kami at may makakakita sa halikan namin. Basta I so love the feeling of being kissed and held by him.
"Let's go." yaya niya nang matapos ang kissing session namin. Heheh. Kissing session talaga.
"Saan tayo pupunta?"
"Let's celebrate." at giniya na niya ako patungo sa sasakyan niya.
"Ivan, kaninong bahay 'to?" tanong ko nang huminto kami sa tapat ng isang napakalaking bahay. Mansion na nga yata ang tawag dito eh.
"My parent's house." sagot nito at lumabas na ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Kinakabahan naman ako ng bongga. Meet the parents na ba ito? Hindi man lang ako nakapaghanda. Kutusan ko kaya ang Ivan na 'to?
"A-Anong gagawin natin dyan?" nanginginig kong tanong. Hindi pa rin ako lumalabas ng sasakyan niya.
"Ano pa nga ba? I want you to meet my parents and my whole family."
BINABASA MO ANG
Love Hurts, Love Heals
RomanceNaririndi na si Aya sa kakatanong ng mga tao sa paligid niya kung kailan siya magkaka-boyfriend kaya napagpasyahan niya na kung sino ang manliligaw sa kanya sasagutin niya. May manliligaw na kaya sa kanya? Kung meron man mamahalin kaya niya? Kung ma...