Chapter 7

36 1 0
                                    

Pagkalabas ko ng restaurant, hindi ko na napigilan ang luha ko.  Mabuti nalang at nakasakay agad ako ng taxi pauwi.  Ang taxi driver napapatingin nalang sa’kin sa rear-view mirror.  Hindi ko na kasi napigilan ang humagulhol.  Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko.  Parang may nakadagang malaking bato sa dibdib ko.  Ang sikip-sikip ng pakiramdam ko parang hindi ako makahinga sa sobrang sakit.  Ganito pala kapag sinasaktan ka ng taong mahal mo.  Gusto ko ng maging manhid para hindi ko na maramdaman ang sakit.

Pagdating ko sa apartment, dumiretso agad ako sa kwarto at nakita ko lahat ng mga binigay sa’kin ni Jonas.  Nararamdaman ko na naman ang sobrang sakit at galit pagkakita ko sa lahat ng iyon.  Hindi ko na naman napigilang humagulhol at hindi ko napigilang magwala sa loob ng kwarto.  Binalibag ko lahat ng mga binigay niya sa’kin at pinunit ko lahat ng binigay niyang stuff toys.

“Aaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!” hindi ko napigilang sigaw.  Iyon ang eksenang naabutan ni Mafe.

“Aya anong nangyari sa’yo?  Bakit ka nagwawala?  Bakit mo sinira ‘yan?” tanong ni Mafe sa’kin.

“I hate him.  I really, really hate him.  Sana mamatay nalang siya.”  Hindi ko napigilang ihampas-hampas ang stuff toy na hawak ko.  Ini-imagine ko na si Jonas yun.

“Teka lang, kalma lang.  Hindi ko maintindihan.  Sino ba ang kaaway mo?  At bakit nandito ka?  Diba may sorpresa ka kay Jonas?”

“Sino pa nga ba, e di ang walang hiyang Jonas na yun.  Ang sama-sama niya.  Niloko niya ako.  Ginamit niya lang ako.  Tapos ng bumalik ang first love niya, iniwan nalang ako bigla.”

“Ano?!  Ginawa niya yun?  Aba’t walang hiya talaga siya.”

“Ang sakit-sakit Mafe.  Siya ang first love ko.  Siya na ang pinangarap ko na maging asawa.  Tapos iiwan lang pala niya ako.”  Hindi ko na naman napigilang umiyak.  Niyakap nalang ako ni Mafe.

“Shhh.  Iiyak mo lang ‘yan ngayon.  Mawawala din ang sakit at makakalimot ka rin.  Ganun talaga ang pag-ibig, masakit.”

“Ayoko ng ganito.  Parang mamamatay ako sa sobrang sakit.  Bakit kailangan ko pa ‘tong maranasan?  Hindi naman ako masamang tao para parusahan ako ng ganito.”

“Hindi lang talaga siya ang nakalaan para sa’yo.  For sure, may darating na much, much better kaysa kanya.”

“Mafe inom tayo.  Gusto ko muna makalimot.” Bigla kung sabi kay Mafe.

“Diba hindi ka naman umiinom?  Saka hindi solusyon ang alak sa problema.”

“Please samahan mo nalang ako.  Ngayon lang naman.”

“Pero..”

“Kung ayaw mo akong samahan.  Ako nalang.”

“Sige na.  Sasamahan na kita.  Baka may mangyari pang masama sa’yo.  Tatawagan ko rin si Joan para dalawa kaming magbubuhat sa’yo pag malasing ka.”

Pinili kong sa isang disco bar magpunta para ma-distract ako sa malakas na tugtog.  Mas lalo ko kasing naaalala ang sakit kapag walang maingay.

“Bigyan mo nga ako ng pinakamatapang niyong alak.”  Sabi ko sa bartender nang makarating kami sa bar counter.

“Wag mo siyang susundin.” Kausap ni Mafe sa bartender.  “Aya hindi ka sanay uminom.”

“Kaya nga nandito tayo para uminom.”

“Guys doon nalang tayo umupo sa  may couch sa side para hindi tayo masyadong mapansin.”  Sabad ni Joan.

Pagkaupo namin, tinawag ko na agad ang waiter.

Love Hurts, Love HealsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon