Chapter 8

33 1 0
                                    

“Himala yata ang aga niyo dumating ngayon?” tanong ko sa mga kasamahan ko sa office.  Nauna pa kasi sila sa’kin.  Usually kasi nauuna ako sa kanila.

“Kasi nga ngayon ang first day ni Sir Ivan.”

“Sinong Sir Ivan?”

“Sir Ivan James Villongco.  Ang bagong Marketing head.”

“Okay.  Eh ano naman kung ngayon ang first day niya?”

“Naku naman!  Wala ka na ba talagang pakialam sa mundo?  Gusto lang namin masilayan ang kagwapohan niya.”

“Hindi naman kayo excited no? Magsitigil nga kayo.  Ang hilig niyo talaga sa mga gwapo.”

“Mabuti ng may inspirasyon kami sa pagtatrabaho.”

“Sana may direct commu ako sa Marketing Dept. para makapunta naman ako dun.” Sabi naman ng isa.  Nasa Compliance department kasi kami.  Kung may kailangan kami sa marketing department, tumatawag lang kami.  Hindi na talaga kailangan pa pumunta dun sa office nila.

“Oo nga.” Sabi naman ng isa pa.

“Teka guys.  May isa sa’tin na laging pinapatawag sa marketing department.” Bigla nga na-excite ang mga mukha nila at sabay pa talaga tumingin sa’kin.

“Aya, ikaw ang sagot.”

“Bakit naman ako? Wag niyo ako isali sa kalokohan niyo.”

“Ikaw naman kasi ang lagi nagpupunta dun.”  Oo palagi nga akong naliligaw sa marketing department kasi ako ang may hawak ng petty cash ng head office at ako ang nag-poprocess ng mga budget for release ng taga-marketing.  Pati nga pambayad sa mga suppliers ako pa rin ang nag-poprocess.  Ito ang sinasabi ko sa inyo na additional work load ko.  Kaya naging super busy ako.

“Pag pupunta ka dun, kunan mo siya ng picture.”

“Ano ako baliw?  Mapapahamak pa ako sa inyo.  Kayo nalang kaya ang pumunta dun.  Tutal may mga friends naman kayo dun.”

“Naman!  Aabangan nalang natin siya sa lunch break guys. Heheh.” Sabi naman ng isa.  Napapailing na lang ako sa kagagahan ng mga officemates ko.  Makapagtrabaho na nga.

Salamat naman at lunch break na.  Gutom na ang mga alaga ko sa tiyan.  Nakakagutom talaga pag masyadong maraming ginagawa.  At salamat na rin wala akong natanggap na tawag mula sa marketing department.  Hindi pa kasi ako tapos sa pag-process ng nirequest nila na budget.  Sana naman bukas na sila mag-follow up o the next day na.  Napa-praning na talaga ako.  Ang dami pang concerns ang branch na hina-handle ko.  Parang gusto ko na hiramin ang bato ni Darna.

“Tara na guys.  Lunch na tayo.” Yaya ko sa kanila. At ang mga bruha, busy sa pag-reretouch.  Ibang level na talaga ang kapraningan ng mga ito.

“Wait a minute.  Nag-eenhance pa kami ng kagandahan.”

“Wala kayo nun.  Kaya wag na kayo mag-abala.  Tara na.  Gutom na gutom na talaga ako.”

“Mauna ka nalang dun sa cafeteria.  Susunod na lang kami.”

“Okay.  Bahala na nga kayo dyan.”

Tamang-tama naman paglabas ko nakita ko si Joan kaya tinawag ko siya para sabay na kami magpunta sa cafeteria.

“Aya alam mo ba kanina.  May nakasabay ako na gwapo pagpasok.  Ngayon ko lang siya nakita dito. Ang gwapo niya.  Kinikilig ako.  Mabuti nalang muntik akong ma-late kanina, kung hindi, hindi ko nasilayan ang kagwapohan niya.” Sabi ni Joan.

“So ipinagpapasalamat mo pa talaga na muntik ka ng ma-late kanina.  Ibang level din iyang kapraningan mo noh.”

“Eh sa ang gwapo niya talaga.  Sino kaya yun?”

Love Hurts, Love HealsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon