Week end. Mafe, Joan, and I were planning a girls bonding. Isasama rin sana namin si Kristin kaso may ibang appointment na kaya hindi makakasama. Hindi rin kami magkikita ni Jonas kasi may inaasikaso siya sa negosyo niya.
"Kumusta ang buhay may boyfriend?" tanong ni Joan sa'kin.
"Masaya. Nakakainspire." Sagot ko naman na hindi ko mapigilang kiligin.
"Halata nga masyado. 'Yang smile mo abot hanggang tainga. Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig."
"Eh! Ikaw Joan kailan mo balak magka-boyfriend? Naunahan na kita." Tanong ko kay Joan.
"Hindi ko pa nakikita si Mr. Right." Sagot naman nito.
"If I know, sobrang taas lang talaga ng standards mo. Hirap abutin. Baka hindi ka na makapag-asawa n'yan, sige ka." Sabad ni Mafe.
"Heh! I believe na may lalaking nakalaan sa'kin at magtatagpo rin ang mga landas namin." Hindi naman patatalong sagot ni Joan.
"Amen!" dugtong ko sa sinabi niya.
"Tigilan n'yo ko. Porke't ako nalang ang walang boyfriend, ako na pag-iinitan niyo. Mga bruha."
"Concern lang naman kami sa'yo. You're not getting any younger. Saka sayang 'yang kagandahan mo kung magiging matandang dalaga ka." Sabi naman ni Mafe.
"Darating din tayo d'yan. Maghintay lang kayo. Change topic na nga. Aya natikman mo na ba ang matamis na halik ng fafa mo?" tudyo ni Joan.
"Tinatanong pa ba 'yon?" nahiya naman ako bigla sa tanong. Namula yata ang pisngi ko.
"Uy! Nag-blush. Masarap ba?" tanong naman ni Mafe.
"Syempre naman masarap. Mahal ko 'yon eh. Ang halik niya ang pinakamatamis na halik na natikman ko sa whole wide world."
"Ay! Bruha. Malamang kaysa hindi, sa kanya na talaga ang pinakamatamis na halik na natikman mo kasi first kiss mo 'yon." React ni Joan.
"Tse! Inggit ka lang." sabi ko kay Joan. "Mafe ganito pala talaga ang feeling ng may minamahal at nagmamahal sayo. Ang sarap mabuhay sa mundo."
"Uy! Napapraning ka na yata d'yan. Easy ka lang. Wag mo masyadong dibdibin 'yang love-love na 'yan." Wika na naman ni Joan. Kahit kalian kontrabida talaga.
"Tama naman si Joan. Wag mo ibigay lahat ng pagmamahal mo, magtira ka rin para sa sarili mo. Hindi natin alam ang mga mangyayari sa future." Sabi naman ni Mafe.
"Wag n'yo naman akong takutin. Alam ko naman na may mga tampuhan at mga misunderstandings talaga pero naniniwala ako na makakaya naming harapin iyon. Saka may tiwala ako kay Jonas. Alam ko hindi niya ako sasaktan."
"Ok. Sabi mo eh." Sabay pa na sabi ng dalawa.
Sana nga si Jonas na ang makasama ko habang buhay. Mahal na mahal ko na siya. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magmamahal ng iba. Sa nakikita ko ganun din siya sa'kin. Lagi niya pinaparamdam sa'kin na mahal niya ako. Ngayon nga nangagarap na akong humarap sa altar kasama siya. Sa totoo lang, dati hindi ko pinangarap ikasal. Hindi ko rin iniimagine na mag-aasawa ako. Ang gusto ko lang talaga is ang yumaman. Pero kapag nahanap mo na pala ang taong mamahalin mo, mag-iiba ang pananaw mo sa buhay.
"Hon, Good morning. Hindi kita mahahatid sa office n'yo today. May importante kasi akong aasikasuhin. Pasensiya na." sabi ni Jonas sa'kin nang tumawag siya ng maaga.
"Ok lang hon. Naiintindihan ko." Sagot ko sa kanya.
"Sige na hon. Got to go na. Take care ha. I love you."
"Ok. I love you. Take care din. Bye." Hindi man lang siya nag-greet. Oo, first monthsary namin ngayon. Nakalimutan niya yata. Medyo sumama ang loob ko pero baka sa sobrang busy niya kaya nakalimutan. Baka mag-greet din siya sa'kin mamaya. Pero kapag hindi, magtatampo talaga ako.
Pagdating ko sa office, napansin ko na kakaiba ang ngiti ng mga kasamahan ko at parang kinikilig pa pero hindi ko nalang sila pinansin. Dumiretso na ako sa table ko. At sobrang namangha ako sa nakita ko. Parang flower shop na ang table ko sa dami ng flowers at may malaking teddy bear pa na may yakap na puso na may nakasulat na Happy Monthsary. At ang nakasulat sa card na kalakip ay:
Hon,
Happy monthsary. I'm looking forward for more months and years with you.
I love you so much.
Love,
Jonas
Sinong babae ang hindi kikiligin? Akala ko nakalimutan na niya talaga pero may sorpresa pala siyang hinanda para sa'kin. Hindi ko ma-explain ang kasiyahang nararamdaman ko sa mga oras na'to.
"Hello, hon. Happy monthsary. Thank you so much." Sabi ko kay Jonas ng tawagan ko siya pagkatapos ko makita ang surprise niya.
"You deserve that Hon. Akala mo siguro nakalimutan ko no?"
"Oo. Magtatampo na sana ako sa'yo. Salamat talaga at ang hilig mo talagang mang-surprise. I love you, hon."
"Hinding-hindi ko makakalimutan ang monthsary natin. Mas makakalimutan ko pa ang pangalan ko."
"Bola na yan ha." Natatawa kong sabi sa kanya. "Sige na hon, trabaho na ako. Bye. I love you."
"Susunduin kita mamaya. I love you more. Bye."
"Aya, kailan ka pa nagbebenta ng bulaklak?" tudyo ni Irene sa'kin pagdating nito. Nasorpresa din siya sa dami ng bulaklak sa table ko.
"Heh! Surprise sa'kin 'to ni Jonas. First monthsary namin ngayon eh. Pagdating ko andyan na yan sila." Kinikilig kong sabi.
"Ang romantic talaga ng dyowa mo. Nakakainggit pero kinikilig ako sa inyong dalawa. Ang swerte mo day nakabingwit ka ng katulad ni Jonas."
"Agree ako d'yan. Kaya nga sobrang mahal na mahal ko siya." At hanggang tainga na naman ang ngiti ko. Kahit pa magiging sobrang busy ako ng araw na 'to, feeling ko hinding-hindi ako mapapagod. Idagdag pa na magkikita kami ni Jonas mamaya.
"Hon, do you still remember this place?" tanong sa'kin ni Jonas nang makarating kami sa lugar. Sa tingin ko mas lalong gumanda ang lugar compare nung unang punta ko dito.
"Oo naman. Dito tayo unang nag-date." Sagot ko sa kanya.
"And dito rin tayo mag-cecelebrate ng first monthsary natin. Are you happy?"
"So much. You always surprises me. At saka hindi ka gumagawa ng bagay na ikalulungkot ko. Spending time with you is so extraordinary."
"And you're the one who is being cheesy." Tudyo niya sa'kin.
"Tse! Ayaw mo?"
"Syempre gustong-gusto ko. I love you hon." At kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. Napangiti nalang ako sa gesture niya.
Habang kumakain kami marami kaming napagkukwentuhan. Sa tuwing magkasama kami hindi kami nauubusan ng topic. Komportableng-komportable na talaga kami sa isa't-isa. Pagkatapos naming kumain, tumayo siya sa harap ko at inilahad ang kamay niya sa'kin.
"May I have this dance my princess?" tanong niya sa'kin habang inilahad ang kanyang kamay.
"Sure." tanging nasambit ko at inabot ang kamay niya na nakalahad. Pagtayo ko hinapit niya ako sa baywang palapit sa kanya. Nagsasayaw kami na nakayakap sa isa't-isa. Nakahilig ako sa malapad niyang dibdib at siya naman ay hinahalik-halikan ang aking buhok. After a while, itinaas niya ang mukha ko para magkatitigan kami at sinabihan niya ako ng "mahal kita" at hinalikan sa mga labi.
Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Para akong nakalutang sa alapaap sa sobrang saya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kasiyahan sa buong buhay ko.

BINABASA MO ANG
Love Hurts, Love Heals
RomanceNaririndi na si Aya sa kakatanong ng mga tao sa paligid niya kung kailan siya magkaka-boyfriend kaya napagpasyahan niya na kung sino ang manliligaw sa kanya sasagutin niya. May manliligaw na kaya sa kanya? Kung meron man mamahalin kaya niya? Kung ma...