"So, Aya. What's your family name? And I heard, empleyado ka ng kompanya namin. Saang department ka?" tanong nito na blangko pa rin ang expression ng mukha. Patay na ba ako nito?
"Lo, ano bang klaseng tanong 'yan?" react ni Ivan.
"Okay lang Ivan." awat ko naman sa kanya. "Asuncion po ang apelyido ko Sir. Sa compliance department po ako."
"I see." sagot naman nito. "Saan ang mga magulang mo? Anong trabaho nila?" tanong pa rin ng lolo ni Ivan na seryoso ang mukha.
"Pa, stop it." alma naman ni tito Jaime pero nanatili pa rin ang seryosong tingin ng lolo ni Ivan sa'kin. Parang hinihintay ang sagot ko.
"Nasa probinsya po ang mga magulang ko. Empleyado po sa munisipyo ang papa ko at isang simpleng maybahay po ang mama ko." sagot ko.
"Hija, naiisip mo ba ang taas ng agwat ng buhay niyo ng apo ko? Pinanganak siya na may magarang pamumuhay at ni minsan hindi niya naranasan ang maghirap."
"Lolo, ano po bang pinagsasabi niyo? Mahal ko si Aya at hindi ko hahayaan na pagsalitaan niyo siya ng ganyan." seryosong sabi ni Ivan at pumwesto siya sa harap ko na parang pinoprotektahan ako sa lolo niya.
"Ivan, okay lang ako." pigil ko sa ano pang maaaring sabihin niya. Ayokong magkasagutan sila ng lolo niya dahil lang sa'kin. "Sir Arnulfo, alam ko po na mataas ang agwat ng buhay namin ni Ivan at ang babaeng tulad ko ay hindi nababagay sa kanya. Pero mahal ko po ang apo niyo. Ang pagmamahal ko lang po ang kaya kung ibigay sa kanya. At sana po hayaan niyo 'kong patunayan ang pagmamahal ko sa apo niyo. Hindi ko naman po kailangan ng pera o ng yaman. Ang importante lang po sa'kin ang pagmamahal ni Ivan." madamdamin kung sabi sa lolo ni Ivan. Tiningnan ko rin siya ng deretso sa mga mata para makita niya na sincere ako sa mga sinabi ko.
"Very well said hija." ang lolo ni Ivan, pumalakpak pa. "Welcome to the family." at sa wakas ngumiti na rin siya. Para na rin akong nabunutan ng tinik.
"Lo, seryoso? Wala ng bawian 'yan. Promise me, wala kang gagawin na ikasira ng relasyon namin ni Aya." panigurado ni Ivan.
"Grandson, I'm serious. Sinubukan ko lang naman si Aya. And I admire her courage and confidence. I like her. Hindi ka nagkamali sa kanya." lumubo naman ang puso ko sa narinig.
"You're right Lo. Aya is one of a kind. Kaya nga mahal na mahal ko ang sweetie ko." sabay yakap pa sa'kin.
"Ivan, wag ka nga. Nakakahiya." saway ko sa kanya. Natatawa nalang ang mga nakakatanda na nakapaligid sa'min. "Salamat po sir." sabi ko naman sa lolo niya.
"You can call me Lolo, Aya."
"Salamat po, Lolo." at nginitian siya.
"By the way, pa nasaan si Tita Emjay?" tanong ni Ivan sa papa niya. Kung naalala niyo anak din siya ni Lolo Arnulfo. Siya ang bunso at nag-iisang babae sa limang magkakapatid.
"May pinuntahan pa pero pupunta din agad yun dito pagkatapos."
"Kuya Ivan." tawag ng mga pinsan niya sa kanya. Nagtipon-tipon din kasi ang mga pinsan niya sa isang mesa. "Ipakilala mo naman kami sa magandang binibini na kasama mo." sabi ng teenager na pinsan niyang lalaki. Nagtawanan tuloy lahat ng pinsan niya. Pati nga kami natatawa na rin. Sa pagkakaalam ko, ang makulit na 'yun ay anak ni Ma'am Emjay.
Nag-excuse nalang muna kami sa kanila ni lolo Arnulfo para puntahan ang mga pinsan niya. Pagkalapit namin sa kanila, agad yumakap sa'kin ang youngest sister ni Ivan. Sobrang overwhelmed tuloy ang feeling ko.
"Hi ate. Im Yvanna Aura, the gorgeous sister of your gorgeous boyfie." natatawa nalang ako. I never thought may pagkapraning din pala ang kapatid ni Ivan. Ang sosyal kasi kung kumilos. Mana talaga sa kuya.
"Ok, guys i would like to introduce to you my girlfriend, Aya Asuncion. So ikaw, Alden." tawag niya sa anak ni Ma'am Ejay "Back off." Nagtawanan naman ang mga pinsan niya. Tinutudyo si Ivan pati na rin si Alden. Napalingon na din ako sa kanya. Hindi ko alam kung seryoso siya o nag-jojoke lang.
"Ivan, ano ka ba, teenager pa lang yang pinsan mo."
"Kuya, napaghahalataan ka tuloy na seloso." Hirit pa ni Alden. "Wag masyadong seloso kuya, baka hindi ka matagalan ni Aya. Sige ka, maganda pa naman."
"Shut up!" nakasimangot na sabi ni Ivan.
"Ivan, umiiral na naman yang pagka-moody mo. Tinutudyo ka lang naman ng pinsan mo. Wag ka ngang masyadong magseryoso dyan. Di ba celebration natin 'to? So lets have fun."
"Tama ka dyan ate." agree ni Yvanna. "Mabuti nalang talaga andyan ka na. May ate na ako. Hindi na masisira ang beauty ko sa mga kuya kong siraulo."
"Uy! Anong siraulo? Si Alden lang ang alam ko na siraulo dito." React naman ni Evan Jaime, ang isang kapatid ni Ivan.
"Pareho lang tayo kuya Ej." sabad naman ni Alden. Patuloy lang sila sa mga asaran nila. Mabuti nalang walang asar-talo sa kanila. Parehong mga game na game.
"Ivan ang saya ng pamilya niyo. Sobrang close talaga kayong lahat. Alam mo ba, pangarap ko talaga ang malaking pamilya. Kasi kunti lang kami. Hindi rin kasi kami masyadong nagkikita ng mga pinsan ko kaya hindi kami masyadong close." sabi ko kay Ivan.
"Now, you are in a big family Aya. Soon makikilala mo rin ang buong angkan ng mga Villongco pati na rin ang mga kamag-anak ni mommy."
"Thank you Ivan for chosing me."
"Ako nga ang dapat magpasalamat sayo. Thank you for not giving up on me despite all the pain i caused you." madamdaming sabi din ni Ivan. Makikita din sa mga titig niya ang pagmamahal na hindi ko inakala na makukuha ko. "I love you, Aya. Soooo much." At niyakap niya ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Love Hurts, Love Heals
RomanceNaririndi na si Aya sa kakatanong ng mga tao sa paligid niya kung kailan siya magkaka-boyfriend kaya napagpasyahan niya na kung sino ang manliligaw sa kanya sasagutin niya. May manliligaw na kaya sa kanya? Kung meron man mamahalin kaya niya? Kung ma...