Chapter 9

40 1 1
                                    

“Compliance Dept., how may I help you?” sagot ko sa tumatawag sa telepono.

“Ms. Asuncion, come here in my office now.” sabi ng nasa kabilang linya at binaba na ang telepono. Hindi man lang ako binigyan ng chance makapagtanong.

“Aya, bakit nagsalubong na naman yang kilay mo?  Sino ba yung tumawag?” tanong ni Irene sa’kin.

“Sino pa nga ba  e di ang napaka demanding na tao dito sa kompanya.  Kung makautos wagas.  Nakakainis talaga.”

“Ah! Si Sir Ivan.  Matanong nga kita.  Bakit ba ang init ng dugo mo sa kanya? Mabait naman siya.”

“Mabait?  Saan ang mabait sa lalaking ‘yon?  Napakasungit.  Kung makautos akala mo kung sinong hari.”

“Pansin ko sayo lang naman siya ganyan.  Baka may gusto sayo.  Hindi naman kasi siya nagsusungit sa’min.”

“Nagpapatawa ka ba? Kasi hindi bumebenta sa’kin iyang joke mo.  Napakaimposibleng mangyari.”  Hindi na nakapag-react si Irene kasi tumunog na naman ang telepono.  At alam niyo ba kung sino ang tumawag?  Walang iba kundi ang nagpapa-bad vibes ng araw ko.  Si Ivan James Villongco, the great.  Nagtatanong kung bakit ang tagal ko.  Pinasasabi ko nalang kay Irene na papunta na ako.  Di ba nakaka-high blood lang.

“Ms. Asuncion, bakit ang tagal mo?” tanong agad sa akin ni Sir Ivan pagpasok ko sa opisina niya.  Matagal daw?  Ten minutes pa nga lang simula ng tumawag siya.  Naku! Talaga naman!

“Bakit hindi ka sumagot?” tanong pa niya ulit.

“May tinapos pa kasi ako Sir.  Kunti nalang kasi at matatapos na yung report na ginagawa ko.” Sagot ko naman.

“I don’t care.  Kapag sinabi kong pumunta ka dito ngayon, pumunta ka agad.” Napaka-demanding talaga. Aya relax lang. Chill.  Nasabi ko nalang sa sarili ko.

“Eh Sir hindi naman po kasi pwede na basta-basta ko nalang po iwanan ang trabaho ko.”

“Nagrereklamo ka?”

“Hindi naman po sa ganun Sir.”

“Enough.  O ito.” May binigay siya sa aking mga documents. “Kailangan ko ‘yan bukas.”

“Sir hindi ko po ‘to matatapos bukas.”

“Nagrereklamo ka ulit?”  tiningnan na naman niya ako ng matiim at naka-cross arms pa.

“Hindi po sir.  Gagawin ko na po.” Kung hindi lang ako takot mawalan ng trabaho baka sinigawan ko na ang lalaking ‘to. 

“Sige po sir.  Lalabas na po ako.” Paalam ko sa kanya. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng tawagin niya ako ulit.

“Aya.” Himala.  Tinawag niya ako sa first name ko. Ngayon lang nangyari ‘to.

“Bakit po sir?”

“Hindi ka ba marunong ngumiti?” shock na shock ako na napatingin sa kanya.  Sino ba kasi ang hindi mabibigla sa tanong niya.  Out of the blue, tinatanong ako ng wala man lang kinalaman sa trabaho ko.  Bigla rin kumabog ng malakas ang dibdib ko.

“Ah never mind.  Makakaalis ka na.” bigla niyang sabi at tinuon na niya ang pansin sa mga papeles na nasa mesa niya.

“Wala akong rason para ngumiti sir.” Sagot ko sa kanya at dali-daling lumabas ng opisina.  Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya sa sagot ko.

Hindi pa rin kumakalma ang tibok ng puso ko pagdating ko sa table ko.  Siguro nabigla lang ako sa tanong ni sir.  Oo. Nabigla lang ako.  Walang ibig sabihin yon.  Makapag-trabaho na nga.  Mag-oovertime na naman ako nito.

Love Hurts, Love HealsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon