Chapter 21

23 1 1
                                    


"Aya, wait." habol ni Ivan.  Pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad palayo sa kanya.


"Aya." Tawag na naman niya nang maabutan niya ako at hinawakan sa braso.  "Please, lets talk.  I can explain."


"Ivan, you have nothing to explain."


"No.  Look, Aya.  We need to talk."


"Wala naman tayong dapat pag-usapan.  Wala ka naman dapat eexplain" Pumiglas ako sa pagkakahawak niya at tinalikuran siya.  Pero hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa niya.


"Aya, I love you." Sabi niya nang yakapin niya ako sa likuran.  Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko at niyakap ako ng mahigpit.  Parang naestatwa rin ako sa narinig.  Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.  Ang lakas din ng pintig ng puso ko.  Parang sasabog. 


"Ivan, hindi magandang joke yan.  Kung sa tingin mo madadala mo ako sa ganyan-ganyan mo, nagkakamali ka.  Kaya pwede, bitawan mo na ako? Gusto ko ng umuwi."


"No." Sabi niya na hindi pa rin ako binibitawan pero dahan-dahan akong pinaharap sa kanya.  "And, I was not kidding.  I really love you.  Matagal na.  Hindi ko lang alam pano 'ko sasabihin sa'yo."


"Mahal?  Mahal mo ako?" Tumawa lang ako ng pagak.  "Kung mahal mo 'ko, bakit palagi mong pinipili na saktan ako?"  Parang nagulat siya sa sinabi ko at hindi siya nakapagsalita agad.


"Pabayaan mo nalang muna ako." Sabi ko at nagtuloy-tuloy ng umalis.  Mabuti nalang at nakasakay agad ako ng taxi.








Pagdating ko sa opisina nang umagang yun, nagulat nalang ako sa nadatnan ko sa table ko.  May isang bungkos ng mga red roses and expensive brand of  chocolate.  Nang tingnan ko kung may card ba na nakalagay, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa nabasa.

Aya,

I'm really sorry for causing you so much pain.  I didn't mean those.

What I said last night, it's true.  I love you.  But I know that you need time to think so I'll give it to you.  I will not bother you for a week.  I will explain everything to you when I come back.  Hopefully, you will hear me out.

Take care.

Love,

Ivan



"Uy! Aya may bago kang manliligaw?"  tanong ni Irene na kadarating lang din.  Hindi ko nalang siya sinagot.  "Kanino galing?"


"I don't know.  Wala namang nakalagay."  pagsisinungaling ko.  Pero bigla niyang hinablot ang card na hawak ko at binasa ang nakasulat.  


"OH. . .MY. . .GOD! Ahhhhh!" at impit pang sumigaw.  Parang loka-loka lang.  At binatukan pa ako.  Hinampas ko na rin siya ng folder.

Love Hurts, Love HealsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon