“Guys, punta tayo sa event na ini-sponsor ng company natin tonight.” Sabi sa’min ng isa kong officemate.
“Sige go ako d’yan. For sure marami tayong makikitang vitamins sa mata.” Agree naman ng isa.
“Tama.” Sabi pa ng isa na tumatawa.
Marami pa silang pinag-uusapan tungkol sa event. At excited pa kasi marami daw gwapo. Ang hilig talaga sa mga gwapo nitong mga officemates ko. Kasi naman halos lahat kasi kami sa department namin ay single kaya mahilig lumandi. Pero alam niyo dati, mahilig din ako tumingin sa mga gwapo. Kontento lang ako kahit walang boyfriend basta makakita lang ako ng biyaya ng Dios para sa mga kababaihan. Pero nagbago ang lahat nung nasaktan ako. Ayoko ng makakita ng gwapo at ma-inlove. Ayoko ko na ulit danasin ang naranasan kong sakit. Sa ngayon, masasabi ko ng unti-unti na akong naka-move on. Alam ko, in God’s time, makakalimot din ako.
“Aya.” Tawag sa akin ni Irene may kasama pang hampas.
“Aray! Bakit ka nanghahampas? Ang sakit ah!.” Sagot ko na nalukot ang mukha. Hinimas ko na rin ang braso ko na hinampas.
“Eh kasi naman you’re spacing out. Kanina ka pa namin kinakausap. Wala ka man lang naririnig.”
“Paki niyo ba! Saka wala akong plano makisali d’yan sa kalokohan niyo.”
“Kalokohan agad? Di ba pwedeng mag-enjoy muna?” hirit naman ng isa.
“Ewan ko sa inyo.”
“Aya, sama ka na para mas masaya.”
“Ayoko. Ano naman gagawin ko dun?”
“E di mang-hunting ng gwapo. Ano pa nga ba?”
“Kayo nalang. Wala akong time sa mga ganyan.”
“Aya naman! Hangang ngayon ba bitter ka pa rin.”
“Hindi na ako bitter. I’m feeling better na.”
“Weeh? Di nga? Kung ganun sumama ka na sa’min.”
“Sige na. Parang bonding din natin ‘to. Ang tagal na kaya nung huling bonding natin na kompleto tayo.” Pangungumbinsi pa nila sa’kin.
“Sige pa. Kumbinsihin niyo pa ako.” At todo kumbinsi talaga sila sa’kin. Nakakatuwa din malaman na gusto nila ako kasama.
“Sige na. Sasama ako kapag ililibre niyo ako ng pamasahe at dinner.” Sabi ko sa kanila.
“Pambihira! Ang kuripot mo talaga kahit kailan.” React ni Irene.
“Kung ayaw niyo, hindi ako sasama. Mas mabuti pang mag-oovertime nalang ako, dagdag sweldo pa.”
“Oo na. Sige na. Ililibre ka na namin.”
“Okay.” At nag-smile ako sa kanila.
“Unti-unti na talagang bumalik si Aya sa mundo kasi nag-smile na.” sabi ng isa.
“Let’s celebrate.” Sabi naman ng isa.
Napapailing nalang ako sa kabaliwan nila. Pero kahit mga baliw ‘yan sila, nagpapasalamat pa rin ako at nandyan sila sa tabi ko. Dinamayan nila ako sa aking pagluluksa at lagi pang handing magbigay ng advices. O di ba? May advisers na ako, may clowns pa.
Tinawagan ko din si Mafe na sumama sa’min. Kilala din naman niya mga officemates ko kasi dito siya sa kompanya namin nagtatrabaho dati.
Pagdating namin sa venue ng event, nandun na din si Mafe naghihintay sa’min. Pati si Joan sinama ko na rin. Ang ibang empleyado din ay nandun. Kami ng mga officemates ko ay nakapwesto lang sa gilid na malapit sa entrance, alam niyo ba kung bakit? Para lang naman makita nila ang buong lugar at makapaghanap ng handsome creatures. Pero kahit naman mahilig sila sa gwapo, hindi naman sila yung tipong nag-fiflirt sa isang lalaki para mapansin. Kuntento na sila na tinatanaw ang kung sino mang nilalang na nagpapabuhay sa dugo nila.
“Uy si Sir Ivan oh! May kausap na mga fafables.” Turo ni Joan.
“Oo nga. Ang gwapo talaga ni sir Ivan. Ang swerte ng babaeng mapapansin niya.” Sabi naman ni Irene.
“Anong swerte? Malas kamo. Ang sama kaya ng ugali ng lalaking ‘yan.” Hindi ko napigilang react.
“Alam mo Aya. Wag ka ngang epal d’yan. Eh sa naga-gwapuhan kami at nababaitan kay sir Ivan.” Sabi naman ni Joan.
“Bahala nga kayo sa buhay niyo.” At sakto naman napatingin ako sa entrance. At hindi ko inasahan na makikita ko ang mukhang yun. Ang mukha ng walang hiyang si Jonas kasama ang girlfriend niya. Nararamdaman ko na naman ang galit. Ang saya-saya nilang tingnan at makikita mo talaga na inlove sila sa isa’t-isa. I admit, bagay din sila. Gusto ng kumawala ng mga luha ko kaya mabilis akong lumabas sa venue at nagpunta sa lugar na walang tao.
Akala ko hindi na ako iiyak kapag makikita ko sila. Pero sa tuwing nararamdaman ko ang galit, tumutulo din ang mga luha ko. Hangang kailan ba ako ganito? Bakit ba hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko? Patuloy lang ako sa pag-iyak nang may lumitaw na panyo sa harapan ko.
“Tsk! Bakit ba lagi nalang kita nakikitang umiiyak?” sabi ng may-ari ng panyo. Pamilyar din ang boses niya. Pagtingala ko, hindi nga ako nagkamali. Si Sir Ivan ang naglahad ng panyo sa’kin.
“Okay na ako sir. May panyo naman ako.” Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya habang pinupunasan ko ang mukha ko gamit ang aking kamay. Hindi ko inasahan ang ginawa niya. Umupo siya sa tabi ko at pinaharap niya ang mukha ko sa kanya at siya na mismo ang nagpahid ng mga luha ko na ayaw tumigil sa pagpatak. Parang may something akong nakikita sa mga mata niya pero hindi ko lang alam kung ano at bigla rin naman nawala. Bigla rin bumilis ang tibok ng puso ko kaya iniwas ko nalang ang mukha ko sa kanya.
“Wag ka ng umiyak. Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak.” Sabi niya sa’kin.
“Wag niyo na po akong intindihin sir. Bumalik na po kayo sa loob. Okay na po ako.”
“Are you sure? I can accompany you here if you want.”
“Hindi na kailangan sir. Nakakahiya na po sa inyo. Nakakahiya na nga na nakita niyo akong umiiyak. By the way sir, bakit niyo po nasabi kanina na lagi niyo nalang akong nakikitang umiyak?”
“Hindi mo talaga naalala? Sa isang bar, nakita kitang umiiyak. Ini-offer ko sa’yo ang panyo ko pero nag-walk out ka lang.” So meaning, siya pala ang lalaking nanlait sa’kin na ang pangit kong umiyak. Kaya pala pamilyar ang mukha niya. Pero kahit gusto ko man magalit sa panlalait niya sa’kin pero hindi ko naman magawa kasi afterall, gumaan din ang pakiramdam ko sa ginawa niya sa’kin kanina.
“Naalala ko na. Pero sir please lang wag niyo na sabihin na pangit akong umiyak.” Inunahan ko na siya baka sabihin na naman niya na pangit ako.
“Inunahan mo ako ha.” Naka-smile pang sabi niya. Wala talagang awa. “Sige hindi ko sasabihin. Baka umiyak ka na naman.”
“Sir bumalik ka na sa loob. Iwan niyo na po ako.” Tumayo na nga siya. Pero bago siya umalis may pahabol pa talaga siyang sinabi.
“Wag mo na siyang iyakan. Mas gwapo naman ako sa kanya.” Sabi niya. Ano daw? Anong pinagsasabi ng lalaking ‘to? Anong connect? Tanong ko nalang sa sarili ko.
“I was just kidding. Kung sino man ang nanakit sa damdamin mo, kalimutan mo na siya. May iba pa d’yan na karapat-dapat sa pagmamahal mo.” Sabi nito at saka tumalikod.
“Sir Ivan.” Tawag ko sa kanya at lumingon naman siya. “Thank you.” at nag-smile ako sa kanya. Para siyang nabigla pagkakita sa ngiti ko. Ngayon lang naman kasi ako ngumiti sa kanya. Pero tumango at nag-smile na rin siya sa’kin. At tumalikod na siya. Mas gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil sa ngiti niya. Naalala ko ang ginawa niya sa’kin kanina at hindi ko na naman napigilan ang pagngiti. First time kasi na may gumawa sa’kin ng ganun.
BINABASA MO ANG
Love Hurts, Love Heals
RomanceNaririndi na si Aya sa kakatanong ng mga tao sa paligid niya kung kailan siya magkaka-boyfriend kaya napagpasyahan niya na kung sino ang manliligaw sa kanya sasagutin niya. May manliligaw na kaya sa kanya? Kung meron man mamahalin kaya niya? Kung ma...