Chapter 17

34 1 1
                                    

“Thank you sa paghatid Ivan.” Sabi ko sa kanya pagkarating namin sa apartment na tinutuluyan ko.

“No worries.” Sagot niya.  “Hindi mo ba ako papapasukin?”  

“Ha? Aw sige pasok ka muna sa loob.  Pero wag kang mag-inarte ah.  Maliit lang ang apartment ko.”

“Kailan ako nag-iinarte?”

“Tinatanong mo ako kung kailan? Every time magkasama tayo lumalabas yang kaartehan mo.  Lalo na noon, sobrang arte mo, ang sungit pa.”  sabi ko na dumiretso na sa kusina para ilapag ang mga pinamili ko. “Maupo ka nalang dyan sa sala.  Make yourself comfortable.”

“Hoy! Hindi ako maarte at masungit.  Ikaw nga ang sobrang arte at suplada.” Sabi niya na sumunod pala sa’kin sa kusina.

“Di ba sabi ko sayo maupo ka nalang dun.  At saka, wag mo akong baliktarin dyan ha.”

“Mas gusto ko dito tumambay.  Tutulungan nalang kita sa pag-arrange ng pinamili mo.”

“Wag na.  Baka mas matagalan lang ako.  Ipagtitimpla nalang kita ng maiinom.  Anong gusto mong inumin?  Coffee or juice?”

“Don’t bother Aya.  It’s almost lunch time.”  saka ko lang din napansin ang oras.  Hindi ko talaga napapansin ang oras kapag kasama ko siya.  Mas matindi pa yata itong nararamdaman ko kay Ivan ngayon compare sa naramdaman ko noon kay Jonas.  

“Oo nga pala.  Kailangan ko na palang magluto.  Maupo ka nalang muna dun.  Magluluto lang ako.  Dito ka na rin mag-lunch.” Sabi ko kay Ivan.

“That’s great.  I love it.  Dito nalang ako.  Tutulungan na kita.”

“Marunong kang magluto?”

“Yes.” Nakangiti niyang sagot.  I was shocked.  I never expected it.  “Bakit parang hindi ka makapaniwala?”

“Hindi talaga.  Sa yaman niyo, pano ka natutong magluto?”

“When I was in the states.  I was alone there so I need to do the household chores, including cooking.”

“Naks naman!  Ang dami mo palang talent boss.  Ikaw na talaga.” Tudyo ko sa kanya.

“At ang kulit mo rin.  So anong lulutuin mo?”

“Menudo.” Hinanda ko na rin ang mga ingredients na kailangan.  Nagsaing na rin ako ng kanin.  Tinulungan na rin niya akong hiwain ang mga sangkap.

“Later, I’ll rate your dish.  Alam mo bang ang menudo ni mommy ang pinakamasarap na menudo na natikman ko?”

“Kainis ka naman, Ivan.  Wag mo namang i-compare ang luto ko sa luto ng mommy mo.  Baka gusto mong hindi kita pakainin.”  

“Ito naman.  Nagtampo agad.” Sabi niya na pinulupot ang braso niya sa balikat ko.  Napaigtad naman ako.  Goodness! Pinagpapawisan ako bigla.  Hooh! Ang init. 

“Dun ka nga.” Sabi ko at hinawi ang braso niya.  “Wag kang istorbo.”

“Ang arte talaga.” At bumalik na siya sa pwesto niya kanina.

“Hmmm.  It tastes good.” Sabi niya ng matikman ang luto ko.  Parang nabunutan naman ako ng tinik sa sinabi niya.  I was silently praying na magustuhan niya, at salamat naman talaga.

“Thanks.  Kumain ka ng kumain ha, wala pa naman ang mommy mo dito.  Heheh.” Patawang kalbo ko sa kanya.

“Hahah.  Silly.”  Natatawa na rin siya.  “Pero mas masarap pa rin talaga ang menudo ni mommy.”

“Kainis ka talaga.” Nahampas ko rin siya sa balikat.  “Sabi ng wag i-compare eh.”  Humalakhak lang siya.

“Kidding aside, masarap talaga.” Kinilig ako ng bongga.  To the highest level.  Wooh!

“Bye, Aya.” Paalam ni Ivan sa’kin.  “Thank you sa lunch and sa dinner.  I really had a great time.”  Naabutan talaga siya ng gabi sa apartment kasi after namin kumain ng lunch, nag-momovie marathon pa kami.  Tapos hindi ko namalayan, nakatulog pala ako, pati siya.  Nagkatabi tuloy kami natulog sa sala.  Imagine nyo yun?  Para na talaga akong mamamatay sa kilig.  This is the best day of my life ever.  At mabuti na rin, hindi pa umuwi si Mafe.

“Wala yun.  Maliit na bagay.  Mag-iingat ka sa pag-mamaneho ha.  Bye.”

“Bye.” Paalam niya ulit bago siya pumasok sa kanyang kotse.  Saka lang ako pumasok sa apartment nang hindi ko na matanaw ang kotse niya.  Hindi rin mapuknat ang pagngiti ko.  Ang saya ko ngayon.  I never expected na makasama ko siya ngayong araw.

Love Hurts, Love HealsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon