Chapter 59: Overnight

1.1K 86 38
                                    


Austin's POV

"May nakasunod sa'tin.", nanlaki ang mga mata ko sa biglang sinabi ng Kahoy. Lilingon sana ako para tignan kung may nakasunod nga ba sa'min nang bigla n'ya 'kong akbayan at mas lalong idikit sa tabi n'ya. "'Wag mong lingunin."

Kinabahan ako dahil sa biglang pagseryoso n'ya. Tulad n'ya ay tinuon ko na lang din ang tingin sa harap. Napalunok. Pinilit kong labanan ang temptasyon na lumingon. Napakurap ako, alanganing inangat ang paningin sa kanya.

"Kalaban ba?", mahinang tanong ko. Agad na kumunot ang noo ko nang bigla s'yang matawa.

G*go 'to ah! Pinagti-tripan n'ya ba 'ko?

"You wanna know?", mas lalo akong nagtaka sa tanong n'ya.

Ay malamang! Magtatanong ba 'ko kung hindi?

Kusang napa-atras ang ulo ko nang ilapit n'ya nanaman ang mukha sa'kin, mukhang balak nanamang magnakaw ng halik ni g*go.

"HOY!", pareho kaming natigilan nang marinig ang pamilyar na boses ng bumbay. Pati ang ibang mga nakasabayan naming maglakad sa gitna ng mall ay napahinto din.

Napalingon ako, agad na nagsalubong ang mga kilay nang makita ang bumbay kasama ang ibang mga tukmol na dinumog s'ya. Para kaming naglalaro ng freeze game. Lahat sila napahinto nang lingunin ko, mga gulat na napatingin sa'min ng Kahoy.

Mabilis kong inangat ang paningin kay Dos. "Sila yung sinasabi mong nakasunod sa'tin?"

Nalaglag ang panga ko nang sagutin n'ya 'ko ng pilyong ngiti. Muli kong binalik ang paningin sa mga tukmol na binitawan ang bumbay. May mga umiwas ng tingin pero karamihan sa kanila napayuko, animo'y mga tutang napagalitan.

"Hule pala tayo, pre."

"Ay ga--tas! Patibong lang pala."

"Sabi ko naman kasi sa inyo 'wag tayo masyadong lumapit eh."

"Etong si Clinton kasi eh, nag-react agad!"

"Nagselos ang walang karapatan."

"Pwedi na ba tayong kumain?"

* * *

"Austin! Austin! Ganito dapat ang suotin mo oh! Hahaha ---aray!" Agad akong napalingon kay Rent nang ituro n'ya ang isang manekin na nakasuot ng kulay pulang bikini. Agad s'yang binatukan ni Eros, pero mas nangibabaw pa din ang tawanan nila.

"Tado!", nasabi ko na lang, sinamaan pa s'ya ng tingin.

Enjoy na enjoy talaga silang apihin ako, porket alam nila ang sikreto ko eh no? -_-

"Ano ba kasing ginagawa n'yo dito? Ba't n'yo nga kami sinusundan, ha?", pangongompronta ko sa kanila. Agad namang nag-react ang mga mokong.

"Uy! Hindi namin kayo sinusundan ah!"

"Mamimili kami ng gagamitin para sa sabado!"

"Gumala lang kami no!"

"Anong sinusundan? Bawal ba kaming pumasyal dito? Sa'yo ba 'tong Mall?"

Boys Dormitory (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon