✨Your wish is my command ✨
Taray Genie lang ang peg HAHAHAHA😂😂😂 HORRAAAYYY!!! dis is it mga pips! The update that we've all been waiting for! Charots hahahaha!
Sa mga team DosTin jan, kaway kaway! HAHAHAHA
Ilaaag sa typo!!!! NYAPII READING!!!😘❤️✨
Austin's POV
Muntik na 'kong mapatili nang may biglang humablot sa mga braso ko at takpan ang bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Crimson sa loob ng mga mayayabong na halaman. Pinatong n'ya ang isang daliri sa labi, sumenyas na manahimik ako. Napalunok ako, naging mabigat ang paghinga nang marinig ang mga tukmol na tumigil sa pinagtataguan namin.
"Asan na yun?"
"Ba't biglang nawala?"
"Sa hotel, baka dumiretso na yun do'n!"
"Tara ligo na ulit tayo?"
"Tara!"
"Xeon kain."
"Ikaw na kumuha do'n."
Pareho kaming nakahinga ng maluwag nang magsi-alisan ang mga tukmol. Napalingon ako, sinilip ang mga tukmol na naghiwa-hiwalay.
"Wait.", nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang Kahoy. Pareho silang napahinto ni Tres. "Did you hear that?"
Taranta akong napaharap kay Crimson na nanlaki din ang mga mata. Nagulat ako nang bigla n'ya 'kong yakapin, isinubsob ang mukha ko sa dibdib n'ya at binalot ang ulo ko sa mga bisig n'ya. Mukhang tulad ko ay nataranta din s'ya at wala nang naisip na paraan. Pareho kaming natuod sa kinatatayuan, napapikit ako. Nagdasal na sana may super-powers ako at bigla kaming mag-invisible.
"Alin? 'tong halaman? Eh kanina pa gumagalaw 'yan eh, ang lakas ba naman ng hangin.", dinig kong sagot sa kanya ni Tres. Napayakap na din ako kay Crimson sa kaba nang marinig na galawin n'ya ang halamang pinagtataguan namin. "Alam mo, kung hindi gutom, na-overdose ka lang sa happy pill mo. Tara, kain muna tayo!"
"What happy pill? I'm not taking any of those."
"Si Austin! Si Austin ang happy pill mo, kasi lagi kang nakangiti 'pag nand'yan s'ya-oh! Tulad n'yan, nakangiti ka nanaman. Ayiiieeee!"
"Tch."
"Taena, in-love ampucha-aray!"
Randam kong pinagpawisan ako sa kabila ng malakas na hangin at basang damit. Naglalaban ang init ng pisngi ko at lamig ng katawan ko. Ako ang nahiya para sa Kahoy. Unti-unti kaming napabitaw ni Crimson sa isa't-isa nang marinig ang malakas na tawa ni Tres mula sa malayo.
"Tara.", hindi man lang ako nakapag-pasalamat sa kanya nang bigla n'ya nanaman akong hilain. Kinaladkad palabas ng madabong na mga halaman.
"T-teka, sa'n tayo pupunta?", mahinang tanong ko habang sumusunod sa kanya, nagmasid sa paligid. Baka kasi may tukmol na makakita sa'min.
"You need to change.", mabilis na sagot n'ya, dumiretso sa isang public restroom. Nagulat ako nang kaladkarin n'ya 'ko papunta sa women's rest room.
"Uy teka, bakit dito? Mamaya may makakita sa'tin-sayo--"
"Don't worry, I rented the entire resort. Walang ibang tao dito maliban sa'tin at mga staff.", sagot n'ya, nilingon ako.

BINABASA MO ANG
Boys Dormitory (UNDER REVISION)
Teen FictionSi Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OKAY TAKE TWO! Si Austin Louis Vermilion, ang main character na mukhang pang side character. Ipinangan...