After that Euthenics thing wala na halos ginagawa.
Nakakakaba. Parang ayoko ng labanan sila Drake pero wala akong magagawa, dapat pala nanahimik nalang ako noon. Dapat di ko na tinanggap yung pagiging myembro ko sa kanila eh. Pero okay nayun.
Hindi nako gaano galit kay Drake. Ewan ko ba, biglang nawala mag mula nung pair examination. Parang bumalik lahat ng dati pero hindi ko maiwasan minsan na kainisan sya lalo na’t nitong mga nakaraang araw eh palagi na silang magkasama ni Krystal.
Katulad ngayon. Nasa iisang lugar lang kami nagpapractice dahil ginagamit lahat ng mga places na naassign sa mga bands para pag praktisan. Marami kasing itatayong mga bilihan pag sapit ng Band Festival.
Marami din guest na mga banda na pupunta sa festival. Katulad ng Siakol, Parokya ni Edgar at Kamikazee. Mabuti nga at walang ticket na babayaran eh. Hindi na makatarungan kung ganun -_-
Back to reality. Lahat ng mga banda ay nandito sa loob ng Gymnasium -_-
Tapos na kaming mag practice kanina pero baka pasadahan pa ng isa mamaya.
Nakaupo ako ngayon sa mono block sa lugar namin habang bumili naman ng mga kakainin sila Jacob.
Naiwan akong mag isa T______T Mukha akong kawawa -______-
Napatingin ako kila Drake na kanina pa naghaharutan. Este hindi ko pala alam kung si Krystal lang ang humaharot kasi nga napaka haliparot -_-
Nakikisakay naman si Drake. Napatingin si Drake sakin at inirapan ko naman.
Nakakasira ng araw.
Kukuhanin ko dapat yung cellphone ko kaya lang pag kapa ko sa bulsa ko nawawala.
Hinanap ko sa bag pero wala padin. Kinakabahan na ko kasi baka may nakapulot at hindi na ibinalik sakin o kaya naman nailaglag ko kung saan lang.
Hinanap ko na sa pinagpraktisan naming lugar pero wala talaga. Nakakainis naman. Dati, nasira ngayong naman mawawala?! Habang kinakal kal ko ng paulit ulit sa loob ng bag ko.
“Hoy.”
May boses na mula sa likuran. Siya yun.
Lumingon ako at kasama nya yung maldita.
Initsa nya sakin yung cellphone ko at sinabing..
“Sa susunod, ingatan mo ang gamit mo.” Tapos tumalikod na.
Paano napunta sa kanya?!
Ano bang dapat kong maramdaman? Matutuwa o maiinis?
Ay bwisit na buhay to ay.
Kaya hindi totoo yung “Magandang buhay!” sa dream dad eh -_-“
BINABASA MO ANG
Life After High School
Novela JuvenilMasaya ba ang middle school? O mas masaya ang College? Ibabase mo nalang ba palagi sa Reader's Digest? Okaya naman sa mga Ebook stories? Kamusta naman kapag expect the unexpected? For Ebook readers and GeunShin Lovers.. Life After High School :) "Pe...
