Chapter 38- First Day

111 4 0
                                    

Artifice POV

Naalimpungatan ako kasi parang may nakatingin sakin.

Pagmulat ng mga mata ko.

“AAAAAAHHHH!” napasigaw ako.

Bigla namang nagsidatingan sila Yaya at yung mga apo nya sa kabilang kwarto.

“Artifice, anong nangyayari?” sabi ni Yaya.

“Si-“ magsasalita palang sana ako.

“Nagulat sya kasi tinititigan ko sya pag kagising nya.” Sabi ni Ian sabay ngiti.

Sya ang madalas kong kasama dati nung huli akong nagpunta dito. Gwapo sya, maputing taga bukid nga eh. Matangkad at mabait.

“Bakit mo naman kasi sya ginulat ng ganun?” sabi ni Yaya. Tapos umalis na.

“Kuya Ian, sya ba yung kinukwento mo saamin na magandang babae?” sabi nung batang babae.

Ngumiti sya sa bata.

“Isay, maganda ba sya?” ANONG SABI NYA?! SASAPAKIN KO NA TO AH! Tinatanong pa ba yun :3

“Opo. Sya lang kasi ang maganda dito kuya, sya na bayun?” sabi ulit nung Isay ba to?

AKALA MO HAH! Sabi ko sainyo eh. Hindi sinungaling ang mga bata :D HAHAHA!

“Odi sya nga yun..” sagot naman ni Ian. Loko talaga to. Ngumiti na lang ako.

Dati sa tuwing mag pupunta kami dito, palagi nya ng sinasabi sakin yun. Walang malisya sakin ang mga bagay na ganun lalo na kung totoo naman :D HAHAHAHAHAHA!

“Ikaw talaga. Tara na nga. Anong oras na ba?” tanong ko habang tinutulungan nya kong tumayo.

“Alas tres na.” Sagot nya.

“Kumain na kayo?” tanong ko.

“Kumain na po kami Ate na Maganda, si Kuya Ian po hindi pa, hinihintay nya po kasi kayong magising kanina pa po.” Sabi naman nung isang batang lalaki.

Ang ku-cute naman nila :D Nakakatuwa namaaaaan. Cute talaga kapag nag sasabi ng totoo ang mga bata! :D

“Bakit naman?” tanong ko kay Ian.

“Hindi pa kasi ako nagugutom kanina, naisipan kong hintayin ka na.” Sabi niya ng nakangiti.

“May boyfriend ka pala dito eh.”

SINO BA YUN?!

Nagmula sa likuran namin.

Lumingon ako.

Life After High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon