Chapter 26- Pustahan

129 4 0
                                        

Kasabay nung paglock nya ng pintuan yung pagbukas sana nung tao sa labas ng pintuan dito sa kwarto nya.

Nagulat ako kasi sabi niya,

“Wag kang maingay.”

Mabuti nalang nailock nya yung pintuan bago mabuksan nung tao sa labas. Kung hindi patay ako!

Baka kung anong isipin nung makakakita sa akin dito sa loob.

“Bro? Kukunin ko lang yung tab ko jan sa loob..” sabi ni..

Jerry (-____-)””                                                       

Boses niya yun eh.

“Sandali lang.” Sabi niya.

Binitawan na nya ako tapos nagpunta sya sa kama tapos kinuha yung tab ni Jerry na nakapatong.

Binuksan nya yung pintuan tapos iniabot kay Jerry.

“Thanks bro.” Sabi ni Jerry tapos umalis na ata.

Sinarado niya ulit yung pintuan tapos nilock.

Tumingin sya saakin tapos

“Feeling mo namang re-reypin kita?!”

So nangiinsulto sya?! Gaya gaya talaga to eh -_____-

“May sinasabi ba ako?!” sabi ko naman.

Syempre gayahan lang yan!

Pero kinabahan ako dun ah! Akala ko kung anong gagawin niya eh! Syempre napapanuod ko sa movie yung mga ganun! >____<”

Bumalik ulit sya sa higaan and this time hindi na sya umupo, humiga na sya.

Hindi ba sya nadidiliman?!

“Para kang mangkukulam eh. Buksan mo nga yung ilaw.” Sabi ko tapos saktong nakita ko yung pindutan.

Binuksan ko yun tapos lumiwanag na yung buong paligid. Napansin ko na puro gitara yung paligid ng kwarto  niya. Nandun pa nga yung regalo na binili ni Charlene kanina eh. Tapos may napansin ako na PC pero nakatakip.

Lumingon sya sa akin habang nakahiga.

“Akala ko ba uupo ka?” sabi niya.

“Uupo na nga. Umusog ka dun.” Sabi ko tapos tinuro ko ng nguso ko yung pag uusugan niya.

Umusog naman sya, kinalahati nya yung kama.

Ang laki naman nya -____-

Sinakop na nya lahat. HAHA!

Lumapit na ako. Ang awkward namn kasi nakadress pa ako samantalang sya naka pantulog na -____-

Nilalamig pa ako kasi umuulan na nga nakaaircon pa sya!

Umupo na ako tapos napatingin ako sa kanya.

Nakatingin sya sa orasan sa drawer niya kasama nung dim light kanina.

“Umm. 11:55 na pala.” Sabi ko.

Limang minuto nalang tapos na yung birthday nya..

Pero until now ata hindi pa sya binabati ng  Mama nya.

Daig pa nya yung ampon ah? -_____________-

Hindi sya nagcomment sa sinabi ko at tahimik lang sya..

May naisip ako!

“Wala akong regalo sayo Mikael pero ano bang gusto mo?” sabi ko.

Tumingin sya sa akin. Tapos ngumiti.

Life After High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon