Pumasok si Yaya sa kwarto. Nakabihis pa si Yaya :D Aalis ba sila?
“Anong nangyayari sayo jan?” tanong nya.
Hindi ako kumibo. Natakot ako e!
“Masyadong malakas yung tv. Hinaan mo.” Sabi niya ulit.
Hinanap ni Yaya yung remote. Nasa ilalim ng kama. Bat napunta don?
Nakapause lang muna.
“Bakit po?” tanong ko. Para kasing may sasabihin sya.
“Sembreak nio naman na diba?” tanong ni Yaya.
“Opo.”
“Pwede bang umuwi muna kami ngayon sa probinsya? Tumawag kasi yung apo namin ng Kuya Nestor mo eh. May emergecy daw ngayon sa bahay..”
Halaaaa. Iiwanan nio ako? :”<<<
Pero may emergency Artifice!
“Okay lang po. Natawagan nio na po ba sila Mama?” tanong ko.
“Oo pumayag na sila. May ipapadala yata muna silang kasama mo dito ng buong sembreak. Babalik din kami next month.” Sabi ni yaya.
“Sige po. Balitaan nio po ako pag nakauwi na kayo at kung ano po yung emergency sa bahay ah.”
Syempre bahay nadin turing ko dun. Gusto ko ngang tumira sa kanila eh. HAHA! Parang walang problema sa probinsya yun ang pakiramdam ko. Last kong punta dun nung 2nd year highschool pa. Sana makapunta ulit ako :D
“Sige po ngarud. Gagamitin nio po ba yung sasakyan?” tanong ko.
“Hindi, mamamasahe nalang kami. Bukas pa daw magpapadala sila mama mo eh. Manghihiram daw muna kami sayo at papalitan nila bukas.” Buti nalang may naitabi ako.
“Magkano po ba?”
“Yung sweldo namin ni Kuya Nestor mo at pamasahe daw pauwi..” Teka, malaki laki yun ah? SWELDO NILANG DALAWA?! PAPATAYIN BA KO NILA MAMA?!
Di bale papalitan naman daw bukas eh.
BINABASA MO ANG
Life After High School
Novela JuvenilMasaya ba ang middle school? O mas masaya ang College? Ibabase mo nalang ba palagi sa Reader's Digest? Okaya naman sa mga Ebook stories? Kamusta naman kapag expect the unexpected? For Ebook readers and GeunShin Lovers.. Life After High School :) "Pe...