ARTIFICE POV
Bakit madilim? Nasan na ba kami?
Kinakapa ko yung ilaw sa taas pero hindi ko talaga makita.
Wala akong makita sa daan. Nilalamig pako O___O”
“Ang lamig naman..” bulong ko.
Hinawakan ko yung cellphone ko. Teka. Nasan ba yun? Katabi ko lang natulog kanina yun ah?
Namatay na din yung tugtog sa mp4 ko. Hindi ko rin kasi naicharge ng maayos sa bahay kaya hindi full bar kanina nung dinala ko.
Tyaka bakit parang hindi naman ako nakahiga? Parang naka slant lang yung likuran ko.
Parang ano. Parang nasa..
PASSENGER SEAT AKO?!
Parang nandun nga ako. Kinapa ko yung flash light sa mini compartment.
Ayun nakapa ko din. Pagbukas ko.
“AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!” sigaw ko.
“Ano ba yun?” mahinang salita ni Drake.
Pagbukas ko kasi mukha niya yung bumungad.
Nakakagulat.
Tyaka bat ba napunta ako dito?
Nasa likuran ako kanina, yun ang natatandaan ko.
Nag somnambulism kaya ako? Sleep walk?!
Eh paano?!
Inabot ko yung cellphone ko sa likod.
Parang nakatulog din kasi ulit si Drake kahit na sumigaw ako.
Kawawa naman pala garod sya. Halaaaaaaaa.
Eh bakit ba ako naawa?! Eh gusto niyang sumama?!
Pagkita ko sa cellphone.
23 % nalang pala.
Hinanap ko kaagad yung power bank ko sa bag.
Kinabit ko na agad. Mabuti nalang naimbento yung power bank.
Haaaay. Anong oras na ba?!
“2am” bulong ko. Kaya pala malamig na eh.
Anong oras kaya natulog si Drake?
Hindi nako makakatulog.
Tinignan ko sa map ng cellphone kung nasan na kami.
O_______O
NANDITO NA PALA KAMI SA Daungan ng Ferry eh! 0____0 Pero mejo malayo pa ng kaunti kaya naman pala madilim.
Ginising ko sya.
“Mikael. Tara na.” Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Life After High School
Teen FictionMasaya ba ang middle school? O mas masaya ang College? Ibabase mo nalang ba palagi sa Reader's Digest? Okaya naman sa mga Ebook stories? Kamusta naman kapag expect the unexpected? For Ebook readers and GeunShin Lovers.. Life After High School :) "Pe...
