Chapter 27: Mathematics <3 </3

163 6 0
                                    

Artifice POV

Finals week naaaaaaaaaaa!

Katapusan ko na! <///3

Dalawang araw lang ako nagreview T___T Anong isasagot ko sa exam?

One seat a part?! Whuuuut the fuuuuuuuuuu** <////3

Syempre si Drake sitting pretty nanaman! >______<”

Kapag nga quiz magugulat ka na lang either perfect niya o isa o dalawa lang yung mali eh :3

NGAYON PANG EXAM?! T-----T

Hindi mo aakalaing nag aaral pala syaaa.

First subject, omegaaaaaaaaaaaad! Mathematics 104 >______< Tae CALCULUS TOOOOOOOOO!

Masayang masaya na ako kapag naging 2.00 ang grade ko dito :3

Sobrang galing ko kaya sa Math! Konti nalang perfect ko naaaaa..

..yung mali X______X”

Putchaaaa. Unang tanong palang manghuhula na ako kaagad?!

Oh?! Bakit magaling ba kayo sa Math?! Ang swerte nio kapag ganun?!

Sagutin nio nga garod etooo.

Alam nio bang magcompute ng Cos at Sin?!

Tae hindi ko alaaaaam -_____-

Dalawang oras akong tatanga ditoo.

Buti nalang 1-75 items lang.

Sana naman tama yung mga ginagawa kong pagsosolve.

Wala pa ngang isang oras nagpass na agad si Drake ehhhhh -______-

Kamusta naman ako? Number 53 palang yung item na sinasagutan ko >____< NAPAKATANGAAA <////3

Mga kalahating oras pa nung nayari ako.

Paglabas ko nakita ko si Drake sa railings na nakatayo.

“Talinooooooo namaaaaan. Natapos agad?” pang aasar ko.

Lumingon sya sa akin.

“Bakit? Hindi mo ba alam yung exam?”

“NANG IINSULTO KA?!” kompronta ko. Eh yung tono ng pagtatanong nya parang nangiinis na ewan eh X_X

“Nagtatanong lang naman.” Sagot niya.

“Ano bang madali sa Math?” sabi ko ng mahinahon habang nakatingin sa mga taong dumadaan.

“Walang madali sa Math..” sabi niya habang nakatingin sa taas.

“Alam mo naman pala eh.” Sabi ko.

“..pero kung pagsisikapan mo, maiintindihan mo din.” Dugtong nya.

“HUH?!” eh hindi ko kayang pagsikapan eh -___-

Lumingon sya sa akin.

“Kung hindi ka pa nainlove, paniguradong hindi ka din magaling sa Math..” sabi niya sa akin.

Ano namang kinalaman ng pagmamahal sa Mathematics?!

“Saan naman nanggaling yan?” sabi ko.

“Reader’s Digest” sagot nya. HUUUUH? Ngayon ko lang nalaman yun ah!

“Paano?” tanong ko.

Parang nakakapukaw lang ng atensyon :D

“Kapag naiinlove ka kasi, lahat ng ginagawa mo ay Mathemeatics..” sabi niya.

“Oh? Tapos?” sabi ko. Paano namaaaan? Alam nio ba?!

“Yang pagtibok ng puso mo.. alam mo kung bumibilis oh normal lang diba? Mabibilang mo kapag normal. Pero kapag kaharap mo sya, hindi mo na kayang bilangin pa. Lalo na kapag didistansya ka kasi kailangan. Ilang metro ba dapat? Ilang milya? Kapag hindi ka makatulog sa gabi, ilang oras ba? Math lahat yun..” sabi niya.

Andami naman nyang alaaaaam :D HAHAHA! Buong buhay ko, hindi pa ako gumaling sa Math eh.

Pasado lang ako palagi. Pero hindi ako magaling. Kailangan may pagbabasehan ako sa mga sinasagot ko. Kanina nga lang ako walang pinagbasehan kasi bawal mangopya Y___Y Panigurado mababa ako dun. Hindi pa ako naiinlove eh ):

Pero bakit alam niya yun?!

“Teka, bakit alam mo yun? Nainlove ka na noh?!” sabi ko.

“Nabasa ko lang. Hindi din ako magaling sa Math..” sabi niya.

“Aruuu. Halos maperfect mo nga yung mga quiz kapag Math eh.”

“Hayyyy. Ewan.” Sabi niya tapos nagover sa railing para makababa.

“Hoy. Teka laaaang! Hintayin mo kooooo” sigaw ko.

Nauuna syang maglakad ngayon.

Nakapamulsa sya..

Tama nga sya, Math lahat ng Love.

Katulad ng sinabi niya kanina, hindi ko mabilang kung ilan yung pagtibok ng puso ko kasi mabilis..

..kaharap ko kasi sya..

Pero iba naman yung crush no >___<

Kapag nagkuquiz kami nitong mga nakaraang araw sa Math palagi akong mababa..

Tapos lagi syang mataas.

Pero sabi niya hindi sya magaling sa Math. Teka niloloko ata ako nito eh >_____<

Ang gulo nyaaaa!

“Artifice!” may tumawag mula sa likod.

Lumingon ako.

As usual si Jacob :D

Tapos na rin yung exam niya? All over lahat ng College Math ang exam eh.

Mamayang hapon pa yung ibang subject.

Tumakbo sya papalapit sa akin.

“Oh? Tapos ka ng magexam?” sabi ko.

“Oo. Baka nga mababa ako dun eh. Hindi ako magaling sa Math..” sabi niya.

Ayyy. Odi hindi padin sya nainlove :D HAHAHA! May natutunan ata ako ngayong araw ah!?

HAHA!

“Pero nag review ka?” tanong ko.

“Oo naman. Hindi ko nga alam kung bakit napursue akong reviewhin ang Math eh :D” sabi niya.

Ako nga din. Last Monday nireview ko talaga yung Math.

Nakakapagtaka :D HAHAHAHA!

“Haha. Odi mabuti.” Sabi ko.

“Tara sa bleachers, magreview.” Aya niya.

“Osige.” Sabi ko naman.

Paalis na sana kami kaya lang may humawak sa kamay ko.

Paglingon ko si Drake -___- Baki nanaman kayaaaaaaaa.

Life After High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon