MIKAEL’s POV
Nakita kong umakyat na siya sa stage. Anong nangyare sa kanya?
Hindi ko inakala na aabot sa ganitong sitwasyon. Na pati si Artifice tototohanin nyang idamay sa problema ng pamilya namin. Dapat pala hindi na ako pumayag noon..
Hindi naman sinasadya ni Kuya na magkagusto sa first love ng Kuya ni Jacob ah?
Hindi rin naman siguro ginusto ng Kuya ko na mainlove din sa kanya si Ate Tiff 5 years ago..
Wala naman siguro kaming kasalanan kung nagpakamatay yung Kuya ni Jacob ng dahil lang sa pangyayaring ganun.
Bakit kailangan pa nyang maghiganti?
Bakit pati ako damay?
Bakit pati ang banda damay?
At higit sa lahat bakit pati si Artifice damay?
Dapat pala hindi ko na sya hinamon noon..
Kasalanan ko din kung bakit ganito kami ngayon eh..
**FLASHBACK**
Nagpunta ako sa Elite dahil may dadaanan ako kay Daddy.
Nakakainis nga eh! May nakita pa akong may suot nung paborito kong damit!
Pero nagulat ako kasi sya lang ang sinigawan ako ng ganun.
Magmula ata nung ipinanganak ako hindi pa ako nasigawan maski minan.. Maliban nalang sa mga fans ko ah :D Sobrang pogi ko kasi eh :D HAHAHAHA!
Over confident na ba? :D Totoo naman -___-
Pagngiti nalang yung tangi kong nagawa nung sinigawan nya ako kanina.
Dito kaya sya mag-aaral?
Pasukan na sa isang linggo ah?
Nagpunta ako sa records office para itanong dun kung may nagpunta bang nakaitim na parang makikipaglamay dito para magpa enroll.
“Sir meron po. Dall Artifice Alcantara po yung full name and HRM po ang kukuning course.” Sagot nung cashier nung nagtanong ako.
Paglingon ko sa gilid nakita ko si Jacob dun. Nakatingin sa akin.
Problema nito?! Hindi ba sya makaget over nung band quarters nung isang taon?!
Di ba nya matanggap na mas magaling kami sa kanya :D HAHA! Yabang ko talaga. Atleast gwapo ako :D HAHAHA!
Lumabas na ako. So Dall Artifice ang pangalan. Sasabihin ko kay Daddy na HRM ang kukunin ko :D
Paglabas ko.
“Interesado ka sakanya?” pota! Si Jacob nanaman?! Susulpot bigla tong panget nato -____-
“Kanino naman?” nagmamaangmaangan kong sagot.
“Kung hindi ako nagkakamali sa 1401 Emerald Street, Villa Roman Village, Pasig City nakatira si Dall Artifice Manuel Alcantara eh.”
PAANO NYA NALAMAN?! O___O Naunahan pa ako!
BINABASA MO ANG
Life After High School
Novela JuvenilMasaya ba ang middle school? O mas masaya ang College? Ibabase mo nalang ba palagi sa Reader's Digest? Okaya naman sa mga Ebook stories? Kamusta naman kapag expect the unexpected? For Ebook readers and GeunShin Lovers.. Life After High School :) "Pe...