ARTIFICE POV
Pagdating namin dun. Putek kadami naman tao T___T
“Art, madaming tao..” sabi nya. Habang sinisilip yung mga tao sa labas.
“Oo nga eh. Next time na lang..” panghihinayang kong sagot.
Tumingin sya sa akin. Alam ko yun kahit nakayuko ako :D
“Ganito na lang..” napalingon naman ako sa kanya.
“..bumalik nalang tayo jan next week. Sa SM Manila muna tayo magpunta.” -___- ANONG GAGAWIN DUN?! TT____TT
“Anong gagawin dun?” tanong ko.
“Kumain ng ice cream..” tapos ngumiti sya. POTAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!
Sinamaan ko sya ng tingin. Tapos bumalik sa seryosong mukha yung pagmumukha niya. GAGO EH --____--
“Oo na.. bahala na..” sabi niya bigla tapos minaneobra na nya yung sasakyan.
Kwento lang ako ng kwento sa kanya habang nasa daan kami. Hanggang sa may naitanong na ako sa kanya..
“Nasan yung Kuya mo?” tanong ko. Nagulat naman sya..
“Paano mo nalamang may kuya ako? Stalker ka no?!” pangaasar niya. ANO!? Kung magiging ganun ako, ADMIRER ang tawag sa akin.
“Alam mo, minsan naiisip ko bakit kaya ipinanganak ka pa?! Kapal ng mukha mo eh -__-“ sagot ko.
“Nag uumpisa ka nanaman?!” sabi niya.
“Inaano ba kita?! Stalker stalker..” bulong ko.
“Oo na! Admirer na tawag sayo!” Hmm? Paano niya nalaman yun?!
“Paano mo naman nalaman yung mga ganun? Stalker? Admirer?!” tanong ko.
“Reader’s Digest yun -__-“ sabi niya. Ayun! Tumama din yung Reader’s Digest nya! :D HAHA! Nagbabasa pala sya ng ganun. Akala ko nagiimbento sya eh.
“Bakit alam mo yun?” tanong ko.
“Wala. Ano yung tinatanong mo kanina?” pag iiba nya nung topic.
“Ah. Nasan ung Kuya mo sabi ko..” sagot ko.
“Canada.” Ang ikli naman nung sagot T___T
“Bakit nandun?”
“Taga dun kami.” Sabi niya. Ang tipid nyang magsalita!
“Eh ikaw?” tanong ko ulit.
“Bat ba ang chismosa mo?!” ANO DAW?! HINDI AKO CHISMOSA AH!
“NAGTATANONG LANG! AYAW MO DI WAG!” sigaw ko.
“Oo na ipapaliwanag na!” sigaw nya sa akin.
Tapos tumahimik na ako. Nagkwento na sya..
“When I was Grade VI, nag migrate kami dito. Si Kuya Dan 1st year college na sya nun..”
“Tapos?” sabi ko.
“..dahil nga college na si Kuya, napagusapan na yung mga mana. At Dahil dalawa lang kami sabi ni Mommy na kay Kuya na daw yung nasa Canada at pati etong Elite..” Yaman naman talaga nila -___-
“.. Nagalit si Daddy kasi halos walang matitira sa akin kung ganun ang mangyayari. Sabi ni Mommy bata pa naman daw ako kaya okay lang. Palagi silang nagaaway ng dahil lang sa herarchy nun. Palagi kong naririnig na si Kuya nalang dapat ang magmana ng lahat.. Masakit sa akin na ganunin ako ng mommy ko. Favorite niya kasi ang kuya ko..”
BINABASA MO ANG
Life After High School
Teen FictionMasaya ba ang middle school? O mas masaya ang College? Ibabase mo nalang ba palagi sa Reader's Digest? Okaya naman sa mga Ebook stories? Kamusta naman kapag expect the unexpected? For Ebook readers and GeunShin Lovers.. Life After High School :) "Pe...