Ginaganap ngayon yung Band Party.
Sa Swimming pool area ang venue. Sa likuran ng elite Hall.
Tae mag aalas dose na. Kaingay pa dito parang bar.
Kanina ko pa kasi hinhintay si Jacob. Hindi ko na sya mahanap sa dami ng tao. Mga nagsasayaw pa -_-
Ginawang bar yung pool eh -___-
Mga bobo.
Tapos napakaingay talaga!!!!
Nakaupo lang ako sa isang table tapos umiinom ng juice.
Juice lang ang iniinom ko, sila JUICE KO LORD -_- Amoy alak na nga dito eh -_-
Maya maya dumadating si Jacob.
Nakangiti kong sinalubong para icongratulate ulit.
Magsasalita na sana ako kaya lang pagtayo ko kinuha niya yung kamay ko taposdinala sa hindi gaanong maingay.
“Hindi kita maririnig dun eh.” Sabi niya ng nakangiti.
“Haha. Oo nga. Congratulations!” sabi ko sakanya habang nilalahad yung kamay ko.
Kaya lang pagkuha niya sa kamay ko hinila nya ko palapit sakanya.
Kinabahan ako bigla kasi mejo naamoy ko na hindi maganda yung tama neto.
San ba sya galing?!
Naalala ko pa nun nung sinabi sakin ni Charlene na kapag nakakainom sya, hindi niya alam na masama na yung ginagawa nya. Humingi kasi sakin ng pasensya si Charlene nun sa nangyari sa Acquaintance.
“Bbakit?” sabi ko.
“Wala.” Sabi niya habang nakatingin sakin.
Bigla nyang binitawan yung kamay ko at tumalikod.
Nakahinga ako ng maluwag kaya lang nagulat ako kasi pagtalikod nya bigla syang humarap kaya napaurong ako sa may pader ng entrance.
Lumapit sya tapos. Parang nasusuka sya habang nilalapit yung mukha niya sakin. Kadiri naman to!
Lulumpuhin ko to kapag sinukahan ako!
Biglang may humiklat sakanya mula salikod.
Sinuntok sya. O_____O”
Nakita ko si Drake yun at susuntukin nya ulit kaya lang humarang nako.
“Ano bang problema mo?!” sigaw ko.
“Bakit?! Gusto mo ba sya?!” sigaw niya sakin.
BINABASA MO ANG
Life After High School
Ficțiune adolescențiMasaya ba ang middle school? O mas masaya ang College? Ibabase mo nalang ba palagi sa Reader's Digest? Okaya naman sa mga Ebook stories? Kamusta naman kapag expect the unexpected? For Ebook readers and GeunShin Lovers.. Life After High School :) "Pe...