Chapter 29 - Weekly Finals II

139 4 0
                                    

Charlene’s POV

Ayokong bumalik yung phobia ni Jacob na mawalan ulit ng mahalagang tao sa buhay niya <//3

Nung mawala si Kuya Jack samin, ilang taon na hindi makausap ng matino si Jacob nun >__<”

Si Kuya Jack lang kasi kapatid ni Jacob. Wala kaming magawa kung hindi ang maghintay nalang kung kailan sya makakausap ng maayos..

Palagi pang wala sila Tita at Tito para gabayan sya.

Bumalik lang ito nung nagsimula na nyang gantihan sila Drake. Bumalik lang nung nagsimula na nyang pamunuan ang For Elite Band na dating pinamumunuan ni Kuya Jack.

Nagsimula ng uminit ang labanan nila sa pagitan nila ni Drake nung mga panahon nayun.

Sa ngayon tatlong taon palang na hinahawakan nilang pareho ang banda.

Magmula nung umalis dito si Kuya Dan, naputol ang Battle of the Bands every year ng dalawang taon at naipagpatuloy lang nung nag third year kami nila Drake.

Sa tingin ko si Artifice ang tunay na nakapagpabalik nung dating Jacob sa pamilya namin.

Wala syang ibang magustuhan nun, puro yung banda lang ang pinagtutuunan nya ng pansin at ganun din naman si Drake.

Hanggang sa hindi ko alam kung bakit napagtuunan nila ng atensyon si Artifice nung una palang.

Nagtataka ako kasi biglaan to.

Sa palagay ko silang dalawa lang ang nakakaalam kung bakit.

Kailan lang nagalit si Artifice kay Jacob sa hindi ko alam ang dahilan.

Akala ko alam ko ang lahat, pero hindi pa pala.

Napabayaan ni Jacob yung banda nung mga araw nayun at bumalik lang ang atensyon nya ulit nitong mga nakaraang araw nung nagbati sila ni Art.

Tapos naulit nanaman ngayon.

Hindi ko na alam ang gagawin kooooo.

Nung una palang napansin ko na may gusto si Drake kay Art pero hindi ko akalain na pati pala si Jacob.

Shipper pa naman nila ako..

Ang hirap naman ng sitwasyon ko.

Puntangenanggggg XD

Artifice POV

Hindi ako makapagreview -___-

Bakit ba kasi ganitoooooooooo?!

Yung cellphone ko wala pa>_____>”

Sana naman dalin ni Drake bukas.

At sana din matataas ang makuha ko sa mga eexamin bukas.

Nag excuse nalang kasi sila Charlene sa English namin na hindi naexam kanina.

Next week nalang daw ang reschedule namin.

Takte namaaaaan.

Humiga nalang ako at nakita ko yung kisame malamang :D

Naisip ko na pagkatapos ng maliligayang araw nitong buwan maraming kapalit.

Isa na itong exam na to’!

Kung wala nalang kasing exam sa buhay natin, odi isa lang ang pinoproblema ko ngayon?!

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Drake sa akin kaninang umaga.

Life After High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon