Chapter 21- Happiest

159 4 0
                                        

ARTIFICE POV

Araw araw rotation lang yung halos ginagawa namin sa Elite.

Pagkatapos ng klase..

Magpapractice si Drake para sa band quarters..

Kung hindi kami kakains sa Cafetearia ng Elite, bigla namang dadating si Jacob at biglang magsosorry.

Hindi ko alam kung bakit hindi masabi ni Drake yung tungkol sa ginawa ni Jacob,  kay Charlene.

Pero ang alam ko may hinala na si Charlene.

Ayoko kasing magsalita, mahirap kasi baka may masabi akong hindi maganda.

Pinsan parin ni Charlene si Jacob at malaki na ang naitutulong palagi sakin ni Charlene sa araw araw.

Minsan nakakaramdam ako ng awa kapag nasa harapan ko si Jacob.

Kaya lang naglalaban yung galit ko sa kanya kaya nawawala ito.

Yung pagmamakaawa niya kasi hindi ko alam kung totoo na, minsan mababalitaan ko na hindi na sila nagpapractice ng dahil sa akin.

Minsan kasi mahirap ng magtiwala ulit, lalo na ang magpatawad..

Pauwi na ako ngayon dahil hanggang 3pm lang ang klase ko.

As usual wala si Drake kasi nagpapractice.

Feeling ko nga kawawa yung magiging girlfriend nun eh -__-

Yung Future nalang ang aasikasuhin niya palagi. HAHAHA! Wala lang napifeel ko lang.

Naglalakad ako sa hallway ng may tumawag sa akin mula sa likuran..

Kilala ko yun..

Lumingon ako, at lumapit naman  sya sa akin. Si Ryan.

Sumama bigla yung pakiramdam ko nung makita ko sya, nagpaflash back sa akin yung mga narinig ko mula sa kanila ni Jacob nung University Intrams.

“Artifice, kung anuman yung nagawa namin sayo, sabihin mo na man..” sabi niya.

Tumalikod na lang ako. Ayokong marinig yung paliwanag niya.Sawang sawa na ako sa “Pasensya na” “Sorry na”

Nakakainis. Pag naririnig ko kasi yung mga salitang ganun parang ilang saglit nalang mapapatawad ko na agad sila..

“Si Drake nalang ba ang paniniwalaan mo?!” naiinis nyang sabi.

Bakit napunta si Drake dito sa usapan?!

Ano bang problema nila?!

Akala ko dati, totoo nila akong iniligtas mula sa mga masasamang tao na yun. Pero hindi ko matanggap na ganun pala yung motibo nila. Ayoko ng magtiwala T____T

“Bakit ba?” sabi ko.

“Bakit hindi mo sya tanungin kung ano yung ibig kong sabihin ARtifice?! Wala na kaming nagagawa araw araw para sa band quarters! Ng dahil sayo, kulang nalang mag away away kami sa banda!” sabi niya.

First time niya akong sigawan. Magmula nung nagkilala kami nila Jacob, hindi pa nya nagagawang sigawan ako. Palagi syang nakangiti sa akin. Lalo na kapag iiwanan niya kami ni Jacob.. Palagi syang masaya kapag kaharap ako..

“Ano bang kasalanan ko sa inyo?! Magmula nung una, mabuti na yung ipinakita ko sa inyo! Walang bahid ng kasinungalingan lahat! Lahat Ryan ginawa ko para mabuti ang maipakita sa inyo! Pero anong isusukli nio?! ISANG PLANADONG SITWASYON???!”

Life After High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon