Chapter 41- Game Over

97 3 0
                                        

Habang nagtatayo ng tent sila Ian nagtingin  tingin naman kami ni Charlene sa tabi tabi.

Walang signal -_____-

Hindi din ako makapag internet.

Mag babasa pa naman sana ako sa Wattpad mamaya eh.

“Balita ko dadating ang Mommy ni Drake ah.” Biglang nag salita si Charlene.

“Bakit mo naman sinasabi sakin yan?” natatawa kong tanong.

Bakit nga ba kasi?

“For how many years, ngayon lang ulit makikita ni Drake ang Mommy nya.. Nagtataka nga din si Tito kung bakit biglang uuwi eh. Hindi pa alam ni Drake, nasabihan sya nung birthday niya pero hindi naman na nya inaasahan. Ako din hindi naniwala nung una pero totoo pala.” Paliwanag nya.

“Nakilala mo na ba yun?” tanong ko.

“Hindi pa eh. Si Flor nakilala na nya yun..” sagot nya sakin.

“Sa tingin mo anung mangyayari pag dumating sya?” sabi ko.

“Malamang tuwang tuwa ang halimaw kong bestfriend.” Sabi nya habang natatawa.

Napangiti naman ako.

“Kumain naaaa.” Tawag ni Jerry samin.

Naghanda sila ng mga kahoy bilang upuan.

Habang kumakain kami,

“Ano to?” tanong ni Jerry.

“Toge yan bro. Hindi mo alam? HAHAHAHAHA!” sagot ni Drake sa kanya.

Yabang talaga neto. Sya nga hindi nya din alam yun eh.

“Hindi mo din naman alam yan nung una eh.” Singit ni Ian ng mahinang boses.

“Nasan yung pake mo?!” sigaw ni Drake sa kanya.

“Gaya gaya.” Sabad ko naman.

Tumingin sya sakin.

“Bakit ikaw lang ba pwedeng mag sabi nun?!” kompronta nya.

“Sinabi ko ba?!” sagot ko.

“Hay. Ewan.” Sabi niya.

“Papansin ka lang eh..” bulong ko.

“Drake, dadating daw si Tita ah?” bioglang singit ni Jerry sa usapan.

Tuloy naman sa pagkain si Drake.

“Talaga?” sabi niya.

Life After High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon