Chapter 14- Bipolar

174 7 0
                                    

CHARLENE’s POV

Hindi ko inexpect yung ginawa ni Jerry last friday sa acquaintance :””D

Nitong mga nakaraang araw kasi sobrang busy niya. Hindi na kami nagkakasama. Pati nga rin si Drake hindi ko na nakakasama. Akala ko busy sila sa banda. Nalaman ko na lang na si Drake hindi pala. Si Jerry nung tinanong ko kay Bryan kasama daw si Michaela may pinuntahan.

Sa sobrang daming ginagawa sa council hindi na ako makapagpahinga. Minsan nga hindi na ako makatulog kasi iniisip ko si Jerry kasi may mga naririnig akong nakita daw nila si Michaela at Jerry na tumitingin ng sing sing sa isang mall. Masakit para sa akin yung ganun. Minsan nga naiiyak na lang ako bigla. Natuwa na lang ako nung sinabi nung mc na magiintermission si Jerry ng mag isa. Actually nun ko lang sya makikita na mag iintermission kaya natutuwa ako.

Nung umakyat si Michaela kulang nalang tumulo na yung luha ko. Halos wala akong marinig kundi yung mga salitaan sa bandang likuran namin.

“Sila na ata.”

“Ang swerte naman ni Micha.”

“Diba may gusto si Charlene sa kanya?”

“Kawawa naman si Charlene.”

“I’m happy for Jerry.”

 Hanggang sa narinig ko yung sinasabi ni Jerry na lyrics ng Gusto Kita. Ayokong marinig na pangalan ni Michaela yung banggitin nya. Pumikit nalang ako na parang walang naririnig. Sobra akong natatakot dahil sa harapan ko pa magkakaganun yung taong minamahal ko.

Hindi ko maipaliwanag lahat ng pangyayari nung narinig ko yung buo kong pangalan.

Madalas sabihin sa akin ni art na “Expect the unexpected.” Natutunan niya daw yun sa Reader’s Digest.

Sobrang sasabog na yung puso ko sa sobrang kaba dahil sa tuwa. Hindi ko akalaing pangalan ko yung babanggitin ni Jerry nung mga oras na yun. Kapag magkasama kasi kami hindi namin napagkukwentuhan yung mga ganyan. Hindi ko alam yung gagawin ko nung mga oras na tumayo sa harapan ko si Michaela at sinabing kunin na yung mga hawak niya kung tatanggapin niya ba yung mga sinabi ni Jerry sa stage.

Pagtayo ko at pag sabing “Oo” binulungan ako ni Michaela.

“Wag ka nang magselos sa akin. Hindi ko gusto si Jerry, may boyfriend na ako noh :)”

Nareleived lahat ng naipong takot sa puso ko nung nabanggit nya yun.

Si Daddy hindi ko expected na matatanggap niya si Jerry. Nagbigay pa sya ng message sa crowd para samin nun. Sobrang saya ko. Nung isinayaw ako ni Jerry pagkatapos naming tanghalin na Ms. And Mr. Acquaintance sabi niya nahihiya daw talaga sya. Baka daw kasi tanggihan ko sya.

Sobrang pasasalamat ko talaga sa kanya. Hanggang sa pag uwi. Pero may nangyari bago kami umuwi..

**FLASHBACK**

“Ihahatid na kita.” Sabi ni Jerry sa akin. Nanginginig pa ako hanggang ngayon. Grabeee :D

“Sige.” Sagot ko naman.

“Charlene Andrea.” May nagsalita. Boses ni Ryan yun.

Lumingon ako. Nakatingin sya sa amin ni Jerry.

“Bakit Ryan?” tanong ni Jerry.

“Sige happy yung ending ng love story nio dahil hindi na ako mangengeelam sa inyong dalawa. Pero Charlene hindi ka ba gagawa ng paraan para kay Jacob?! Hindi ako papayag na naging masaya na kayong dalawa samantalang yung pinsan mo na bestfriend ko eh mawawala lahat sa kanya! Makonsensya ka naman Andrea! Alam mo naman kung ano na lang ang meron kay Jacob diba?!”

Life After High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon