Artifice POV
Ganun pala yun..
Related sya sa Thantophobia na ang ibig sabihin ay “fear of losing someone you love”
Ayon sa brochure nung binasa ko, nagkakasakit ang taong may ganitong phobia kapag iniwan sya ng taong mahal, o mahalaga sa kanya.
Parang fear of being alone.
Fear of losing some one.
OR
Fear of being ignored.
Ang hirap naman iexplain.
Sabi sakin ni Charlene dati, ayaw niya ng bumalik yung dating sakit ni Jacob nung namatay yung Kuya nya. Doon nga siguro nag start yun.
Kawawa naman pala siya. Nabasa ko din kasi na hindi nakakapagsalita kaagad kapag nagkaroon ng ganitong phobia.
Huminga nalang ako ng malalim.
Tinignan ko sya habang natutulog.
Mag aalasonse na pero wala pading dumadalaw na kahit pinsan manlang nya o ano.
Kung hindi pa ako lumabas kanina sa kotse para magahanap ng matatawagang telepono, hindi ko pa makocontact si Ryan kanina.
Tanging yun lang kasi ang nakita kong contact number sa sasakyan niya kanina.
Si Ryan na din yung nag drive at nag hatid samin dito sa ospital kasi sobrang taas ng lagnat ni Jacob kanina. Kaya lang binilinan ako ni Ryan na he will contact Charlene para mabantayan din si Jacob at makauwin nako.
Hindi pa ako kumakain magmula kaninang tanghali T___T
Tapos nasira yung cellphone naming parehas ni Jacob.
Panigurado kanina pa tumatawag sila Mama sakin.
Patay nanaman ako.
BINABASA MO ANG
Life After High School
Teen FictionMasaya ba ang middle school? O mas masaya ang College? Ibabase mo nalang ba palagi sa Reader's Digest? Okaya naman sa mga Ebook stories? Kamusta naman kapag expect the unexpected? For Ebook readers and GeunShin Lovers.. Life After High School :) "Pe...