Chapter 49- Cellular Phone

77 2 0
                                        

Charlene’s POV

Tapos na ang maliligayang araw ni Drake.

Nalaman ko na kasama nyang umuwi yung Mama niya.

At nalaman ko din na migrated na si Ms. Yoon dito galing Canada.

Kaibigan ng Mama ni Drake yung Mama ni Ms. Yoon.

Pero hindi ko pa masagot at hindi ko pa din maitanong kay Drake kung bakit back to normal sya ngayon bago dumating si Art sa buhay namin.

Apat na taong papasok lang si Drake sa eskwelahan, uuwi, lalaban sa band quarters REPEAT next year.

Puro ganun ang gawain niya sa araw araw bago namin nakilala si Artifice.

Naging cheerful nga sya magmula first day ng college eh.

Palagi syang nakangiti. Minsan mapagkakamalan mong may sira sa utak kasi wala namang kasama pero nakatawa sya.

Pero iba nanaman sya ngayon eh. Bumalik yung dating sya.

Imbis na maging masaya sya lalo dahil kasama nyang dumating yung Mama nya, eh lalo pa atang lumala.

Alam kong masakit sa kanya na kalabanin si Art.

Pero hindi ko sya magawang kampihan lalo na’t sya din ang may kasalanan kung bakit sumama si Art sa kabilang banda.

Pero may hindi ako magandang pakiramdam sa ano mang nangyayari ngayon between sa kanya at sa mama nya. Nabanggit kasi sakin ni Flor na hindi daw nya talaga matanto kung ano bang merong ugali ang Mama ni Drake. Dahil sya mismo, ay hindi niya kasundo ito.

 

Art’s POV.

Nasa hallway ako ngayon. Hinihintay sila Jacob. Malapit na daw kasi sila eh.

Nilabas ko yung cellphone ko para tawagan sya..

Naalala ko tuloy na parehas kami ng case ng cellphone ni Jacob.

At hinangad kong magkaroon ng cellphone na ganun dahil kay Drake..

Pero pagdating nya dito, wala na.

Pero hindi ko pa sya nakitang may hawak na cellphone magmula nung dumating sya.

Hindi ko naman sya nakakasama eh.

Tatawagan ko na sana kaya lang biglang dumating sila Jerry at Bryan.

“Oh. Sinong hinihintay mo jan?” tanong ni Bryan.

Life After High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon